Edsa “Ibagsak, Ibagsak,” wika ko wika mo, taong 1986
Bam, bog, bag, bum tunog na pumapailanlang sa himpapawid
Patay dito patay duon, dugo dito dugo duon, nagpaawat ka ba?
Ang sagot ay hindi. Hindi…bakit? bakit ang tanong mo?
Nais kong pumailanlang sa sanlibutan ang boses mo boses ko.
Boses ng Bayan, wika ng Pag-asa: Pagtataguyod ng hustisya at pagkakaisa”
Sumambulat ang kadiliman hudyat ng katahimikan pero ako ikaw tumahimik ba?
Hindi! nanatili tayong sumisigaw, sigaw ng pag-asa hiyaw ng kapayapaan.
Nagkamali baa ko? Nagkamali Ka ba? Di Bat hindi?
Nangibabaw tayo ang boses mo boses ko ang “boses ng bayan”
Boses na kasabay sa pagsikat ng ARAW SA BAGONG umaga
Iba na ang sinisigaw Cory Cory Cory Nanalo tayo napalitan ang diktador.
Pero bakit? paglipas ng ilang taon muli tayong nagbabalik sa lugar kung saan sinasabing nanalo tayo.
Muli tayong nakikibaka palitan ulit ang namumuno ERAP palitan.
Erap na natataning senador nagsabatas tungkol sa kalabaw.
Nagangat ng pagiging tunay na Pilipino.
Sa takot na lumaganap ang dugo sa lansangan
Erap napilitang bumaba sa tungkulin, tungkulin hangad nila hangad mo.
Eto na ako isang ganap na guro muling sisigaw sasama sa boses ng bayan
Sahod itaas sa entry level na 50k. PERA itass sa 5K
Hahaha muling tatawa sa tagumpay na matatamo
Mula apari hanggang hulo dinig ang “boses ng bayan”
Wika ng Pag-asa, pagtaguyod ng hustisya at pagkakaisa.
Sayo butihing Pangulo dingin mo sana ang “boses ng bayan”
Gayahin ang AMA na naging PISO sa PISO ang palitan.