Gusto kong makawala,
gusto kong makalaya,
sa mahigpit na tanikalang
hindi ninyo nakikita.
May bahid ng lungkot
ang nakasilay na ngiti,
mabigat na loob
dahil sa tahimik na paghikbi.
Saksi ang almohada
sa gabing puno ng luha,
hinihintay ang bagong umaga
dala sa puso ang pag-asa.
Tuloy lang ang pagsagwan,
hahanap ng sagot sa kawalan.
paroroo't pasasaan
di susuko sa labang ako lang ang nakakaalam