Return to site

ASBE! ASBE! 

LAILA C. NAMORO

· Volume IV Issue I

Masayahin at palangiti si Abe.

Matalino at magaling sa klase.

Masunurin sa magulang.

Mahaba ang kaniyang buhok.

At higit sa lahat maputi at maganda si Abe.

Subali’t ang ipinagtataka ko.

Bakit madalas natatakpan nang mahaba niyang buhok ang kalahati ng kaniyang mukha.

Niyaya ako ni Nanay na dalawin si Abe. Nabalitaan kasi ni Nanay na may sakit siya.

Mamoy-ön ag manginirit si Abe.

Madunong ag masigkat man iya sa klase.

Maaba man a buwok niya.

Orog pang maputi ag magayon si Abe.

Kindi a ipinagngangalas ko.

Ngata pirming natatawban ka maaba niyang buwok a kabanga ka lalawgön niya?

Pinag-agda ako ni Amay na iyanan si Abe sadto balöy nira.

Tutulong na rin si Nanay sa pa-Apag ni Nanay Rosa para kay Abe na may sakit. At higit sa lahat natuwa ako dahil malalaman ko na ang sikreto ni Abe.

Pagdating namin sa bahay ni Abe.Nakahanda na ang mga pagkain sa Pa Apag katulad ng prutas, maruya, pansit adobong manok malagkit, mamain, sigarilyo at iba pang kailangan sa seremonya. Sa paniniwalang matutuwa ang Panginoon at gagaling ang maysakit sa pa-apag.

Dagos naman migtabang si Amay sa Pa-apag ni Amay Rosa, ta kuwasa agko kaya ilang si Abe.namuya akong mag-iba, ta kuwasa maiisiyan ko na sikreto ni Abe. Pag-abot namo sadto balöy ni Abe.Naka-anda na so mga rekositos sa pa-apag ni Amay Rosa.Arug ka mga prutas, baduya, pansit, adobong manok, sinuman mga mamaon, sigarilyo o bisyo ag dakol pang mga kaipuwanan sa pa-apag. Agko kaya pagtubod a mga taga-Iriga na namumuya si Amang Diyos ag ikakarahay man a pag-papa apag sa mga nag-iilang.

Apag-ay ang pag-aalay ng mga prutas, mga local na pagkain katulad ng maruya, pansit at iba pa. kasama na rin ang sigarilyo, tabako, kamangyan, boyo at iba pa.

Nakahanda na ang lahat hinihintay na lang si Apo Dencio na magsasagawa ng seremonya ng pa-Apag.

Habang nag-uusap sina Nanay at Nanay Rosa. Luminga-linga ako. Hinanap ko si Abe.Hinihintay ko siyang lumabas ng kuwarto, pero wala akong nakita sa kanya na lumalabas mula sa kanyang silid. Hindi ako nakatiis. Sumilip ako sa may pinto ng kuwarto.

Laking gulat ko!

Handa na so ngamin. inuulat na sana si Apay Dencio na mag-gibo ka seremonya sa pa apag.

Habang nag-iistorya si Amay ag si Amay Rosa, nangalagkalag ako sadto balöy nira Abe.Inanap ko si Abe.Inuulat ko iyang magluwas sadto kuwarto niya, pero uda ako nabayad kanya. Naisipan kong mag-sirang sadto pinto ko kuwarto ni Abe.

Nangalas ako!

“Asbë! Asbë!” sigaw ko. “Nanay, Nanay si Abe nag-iba ang itsura!” gulat na balita ko. Nagulat si nanay at Nanay Rosa sa sigaw ko.

Niyakap ako ni Nanay.” Ingrid, hindi Asbë ang nakita mo, si Abe ‘yon!” paliwanag ni nanay Rosa.

“Bakit po maitim ang kalahati ng mukha niya nanay Rosa?” usisa ni Ingrid.

“Balat sa mukha ni Abe ang nakita mo anak!” paliwanag ni Nanay.

“Asbë! Asbë!” rait ko.” Amay si Abe nag-iba itsura!” barita ko. Nag ngalas si Amay ag si Amay Rosa sa rait ko.

Ginakos ako ni Amay.” Ingrid, bokong Asbë so nabayad mo. Si Abe adto!” paliwanag ni Amay Rosa.

“Ngata po ta maitom a kabanga ko lalawgon niya Amay Rosa?” unga ni Ingrid. “Tagik sa lalawgon ni Abe so nabayad mo igin!” paliwanag ni Amay.

Asbë-ay katawagan sa Iriga na ang ibig sabihin ay halimaw o asuwa

“Normal sa tao ang ganitong balat sa katawan. May katuturan ang balat sa mukha ni Abe. Pananggalang ito laban sa mga mikrobyong nagdudulot ng karamdaman. Tungkulin nito ang pagbibigay–init, regulasyon ng temperatura, pandama at bitamina D. Kaya’t maswerte si Abe dahil biniyayaan siya ng kakaibang balat na ‘yan sa mukha!” paliwanag ni Nanay.

Noon ko lang napagtanto. Kaya pala palaging nakalugay ang buhok sa harap ng mukha niya kasi itinatago niya ang balat niya sa mukha.

Pero hanga ako sa katapangan ni Abe dahil kahit may maitim na balat siya sa mukha hindi ‘yon hadlang para makapag-aral siya. Magaling sa klase, laging masayahin at palangiti si Abe.

Simula noon hindi na ako matatakot na lapitan si Abe.Hindi na rin ako magtataka kung bakit palaging nakalugay ang buhok niya!

Tamang-tamang dumating na rin si Mang Dencio para simulan na ang Pa Apag.

“Normal sa tawo a agko tagik sa awak. Sabi ka mga ekspreto panangga ini laban sa mikrobyo na pweding gikanan sa ilang.amu yan nag tata o sa normal na init sa awak ta ag proteksyon man sa init. Ag nagtata o man sa bitamina D. kaya masuwerte si Abe ta tinawan iya ni Amang Diyos sa tagik sa lalawgon!” paliwanag ni Amay.

Kadto ko naisiyan na kaya palan pirmi natatawban sa buhok a kabanga ka lalawgon niya ta kuwasa itinatago niya a tagik sa lalawgon ni Abe.

Poon kadto diri na ako nakatatakot ki Abe.Diri naman ako nag- ngangalas kin natatawban ka nakalugay na buhok a kabanga kalalawgon niya.

Tamang nag-abot naman si Apay Dencio nganing punan na Pa-apag.