Return to site

ANG NAGKAKAISANG MGA HIMIG

ni: RHEA LYN G. CESMA

Sa ating paligid, may iba’t ibang mga himig-------

Mga batang naglalaro, mga magkakaibigang nagbibiro,

Mga tawanan, kulitan at minsan ay mayroon ding alitan,

Lahat ng mga ito sa araw-araw ay iyong mapapakinggan.

Ang ating bansa ay puno ng mga tao,

May mga Iba’t ibang layunin at kakaibang mga kwento.

Sa kabila ng lahat ng ito, himig nila’y tila huni ng mga ibong malaya----

Malayang naglalakbay upang maging epektibo.

Ang wikang Filipino ay mahalaga at nararapat na pagyamanin pa,

Sa anumang paraan tayo ay titibay at yayabong pa.

Ang ating kultura ay repleksiyon ng ating pagkakaisa,

Panatilihing mayaman at bukas para sa bawat isa.

Pagtutulungan at pagkakaisa ay kailangan higit sa anu pa man,

Bawat tao sa lipunan ay may kakayahan,

Bayanihan sa anumang paraan ay palaging pagsasamahan,

Mumunting himig ng mamamayan ay lagi nating pakinggan.

Ang mga Pilipino ay sadyang mayaman,

Hindi man sa salapi o anumang karangyaan,

Bagkus, mayaman sa pagkakaisa at pagmamahalan,

Tayo’y mga Pilipino mapusong komunikasyon ang kailangan.