Return to site

ANG GINTONG PLATITO

ni: CYREL KIM MORAL

Isang gabi sa Isang malayong isla may Isang mangingisdang nag ngangalang Mario nakikipagsapalaran at nagbabakasakaling palarin at makaahon sa kahirapan. Araw gabi siyang nangingisda upang matustusan ang mga pang araw-araw na pangangailangan, hindi siya tumigil sa kanyang pangingisda kahit alam nyang wala syang gaanong mahuhuli dahil sa hindi mayaman sa lamang dagat ang kanilang isla. Hindi madali sakanyang magpabalik balik sa karagatan sakadahilanang pa iba-iba ang panahon at labis itong nagpapahirap sakanya unti-unti na siyang napapagod sa kaniyang ginagawa at naisipan na lamang niya na gumawa ng kasamaan ngunit hindi ito kaya ng kaniyang konsenya mas pinili niyang mangisda buong magdamag kaysa sa mga maling gawain.

Isang gabi habang pagod na nangingisda si Mario ay may bigla siyang napansin isang parang hugis platitong ginto naaaninag niya ito sa ilalim ng karagatan siya'y namangha at hindi maipaliwanag ang kasiyahang kaniyang naramdaman nagpasalamat siya dahil makakaahon na siya sa kahirapan, tumalon siya sa kaniyang bangka at hinanap kong saan naroroon ang kayamanan lumingon lingon siya at sa kasamaang palad ay wala siyang nakita biglang nalungkot si Mario inisip niya na baka guni guni lamang niya iyon dahil sa hangad niyang makaahon sa kahirapan malungkot na umakyat ng bangka si Mario inisip niya na mahirap palang makuha ang marangyang pamumuhay, kinuha nya ang kaniyang sagwan at nagbabalak na umuwi ngunit bigla ulit niya itong nakita agad siyang tumalon sa kaniyang bangka ng walang pagdadalawang isip hinanap nya ito ng mabuti sumisid sya ng sumisid hanap dito hanap doon ngunit sa pangalawang beses ng kaniyang paghahanap ay wala pa rin siyang nakita umakyat ulit nang bangka si Mario at nag iisip na baka pinaglalaruan lamang siya kaya agad mo na siyang umuwi para pag-isipan kung paano niya maiuuwi ang kayamanan. Nag plano ng maigi si Mario hindi sya nakatulog dahil iniisip niya kung paano niya makukuha ang kayamanan kaya imbes na matulog gumawa nalang siya ng mga kagamitan kagaya ng malaking sandok at lambat na makakatulong sakanya upang makuha ang gintong hugis platito kahit hindi na sumisid dahil iniisip niya na baka nawawala talaga ito kapag sumisid at kapag nilalapitan kaya buong gabi siyang nag plano at gumawa ng mga kagamitan hindi sya tumigil kakagawa hanggang sa inabutan na siya ng umaga. Dahil sa kapaguran siya ay mahimbing na nakatulog at nagising na lamang siya ng maramdaman niyang maggagabi na, hinanda niya ang mga nagawa niyang kagamitan at dumiretso na agad sa kaniyang bangka at agad na nag layag.

Hating gabi na ng makarating sya sa gitna ng karagatan agad siyang naghanap kung nasaan na ang kayamanan lumingon lingon siya at hindi katagalan ay nahanap na niya ito nilapitan nya ito at kinuha ang kaniyang malaking sandok sinubukan niyang sandukin ito ngunit hindi nya ito makuha paulit-ulit nya itong ginawa ngunit hindi nya talaga ito makuha kaya sinubukan niyang maghagis ng lambat at nagbabakasakaling sumabit at makuha niya ito naghintay siya ng ilang minuto at hinila na niya ang lambat ngunit wala pa rin siyang nakukuha, unti-unti nang nainis si Mario paulit-ulit siyang sumasandok at nag hahagis ng lambat ngunit sa kasamaang palad hindi pa rin nya ito nakuha, makalipas ang ilang minuto napagod na si mario pero hindi pa rin siya tumigil paulit-ulit at paulit-ulit siya sa sitwasyong iyon pero wala pa rin, kaya siya'y nainis tumalon sya at hindi nya alam na iyon na pala ang ikakapahamak niya sumisid ng sumisid si Mario hanggang sa wala na syang kakayahang umahon pa, nawawalan na siya ng hininga ngunit patuloy parin siya sa pag sisid dumating sa punto na gusto na niyang umahon ngunit wala siyang nagawa ginamit na niya ang kaniyang natitirang lakas ngunit hindi iyon sapat para makaligtas unti-unti nang nawawalan ng buhay si Mario bigla niyang napagtanto na dapat ay naging kontento nalamang siya sa buhay na mayroon siya kaysa maghangad ng buhay na ikakabuti ngunit ikakapahamak niya, dumating na siya sa kaniyang sukdulan ang pangarap, pagsisikap at ang pag-asa ni Mario na makaahon sa kahirapan ay unti-unting lumulubog sa kailaliman ng karagatan kasama niya. Sa huli ang kasakiman ni Mario ang naging dahilan ng kaniyang kapahamakan, at doon natapos ang gabi na may magandang mala gintong repleksyon ang buwan sa karagatan.