Return to site

YAYABONG AT SISIBOL

ni: RITCHIE REGALADO NABIO

Kakat’wa ang ating wika,

Kakaunting palit, kakaunting halip,

Kakaiba na ang pahiwatig.

Kaunting pitik, iba na ang himig.

Minsan inakala na patay na ang wikang Pinoy.

Paano ba nama’y,

Kung hindi Ingles ay Koryan Koryan

Ang hilig ng mga iyan.

Sa kabila ng naghihingalong wika,

Kabataan ang siyang nagpanibago.

Bahagyang kulot at kiliti, bali at kurot ng pakaunti,

Huli na muli ang kiliti ng munti.

Sa pag-indayog ng panahon,

Nakikisayaw ang salita, umaayon.

‘pagkat sumsayaw ang nagsasalita,

‘pagkat lumalawak ang balita.

Si Marites na kumare ni inay noon,

Pambansang mosang na ngani.

Napa “E di wow” na lang ang simaron

Napa “Gigil” ang Oxford mandin.

Mapaparang ang lahat

Ang wika ay ‘di papanaw

Magbabagong bihis lamang

At muling lalamang

Yayabong ang Pinoy at ang wika

Yayabang at yayabang ang wika ng Pinoy

Yayabong at sisibol

Sa paraang kung paano sumibol