Kasaysayang yaring taglay ay 'di maisaysay ng tunay,
Ang wikang Filipino ay buhay na di-mapaparam,
Salamin ng lahing may dugong marilag at dalisay
Inukit sa puso’t diwa, ito’y hiyas na gunitaam.
Wika’y ugat na kumakapit sa diwang malaya.
Inararo sa kamay na apoy ng mga dayuhan,
Nilapastanaganan yaring mapang-aping paglaya,
Dahil sa wika, taas noo ang ating pagkakakilanlan.
Umiindak sa panitikang pasulat at pasaling dila,
Kultura’y humahabi sa himig ng hiwaga ng wika,
Alingawngaw ng bayani sa madugong sandali,
Tinig ng Perlas ng silanganan—hele ng pananda’t lahi.
Dahon ng pananampalataya, ito’y tinta ng kaluluwa,
Bukang liwayway sa puso'y nag-uumapaw,
Kaugnay ng wika panatang tunay na tumitibay,
Sa kapangyarihan ng banal, buhay ay may saysay.
Bakas ng binuong titik at tunog na ating inaruga,
Umusbong ang dalisay na mayamang kultura,
Binaybay ang baybayin ng makabayang diwa,
Pinagyamang abakadang isinalin sa wikang Pambansa.
Modernong panahon umusbong sa makina,
Wika’y katuwang sa pag-unlad ng siyensya,
Hindi dapat magtalo ang tradisyon at teknolohiya,
Sapagkat ang ugat ng lahi’y di hadlang sa paglikha.
Busilak ng kasaysayan, wika’y tanglaw at sandigan,
Tinig ng bayan, iisa ang himig sa puso ng Pilipinong maka-bayan,
Kinandiling tunay ang korona ng dangal at karunungan,
Wikang Filipino, kalasag at kapangyarihan sa diwa ng bayanihan.