Return to site

WIKANG KULTURA: YAMAN NG AMING BAYAN

ni: CLARISSA L. MANTAL

· Volume V Issue I

Sa aming bayan, wika at kultura'y humahabi,

Tradisyon at kaugalian, sa aming puso'y nadarama,

Ito'y kahulugan, kabuluhan na walang kapantay,

Sa mga mamamayan, kultura'y puso ng buhay.

 

Ang wika at kultura, magkaisang naglalahad,

Mga salita'y awit, sayaw, himig na nananawagan,

Bawat taludtod, tula ay dapat nating pakahalagahan,

Paggalang sa ating lahi, paninindigan ng bansa't bayan.

 

Sa wikang kultura, kabataan ay hinihikayat,

Ipagpatuloy, palaganapin sa bawat pagkakataon,

Mahalin, pahalagahan, ituring na kayamanan,

Dangal ng lipunan, kaakibat sa kaunlaran.

 

Sa aming bayan, mga pook ay namamayani,

Tanawin na pinapasyalan, kultura'y hinahagkan,

Putong, Kangga Festival, mga pangyayaring kinababaliwan,

Ito'y alay sa lahat, puso'y nangingibabaw.

 

Ang Putong, simbolo ng pagtanggap sa lahat,

Sa kamay at ulo, korona'y binibigay ng buong tapat,

Kasabay ng tugtugin at sayaw na walang pagkatapatan,

Wika at kultura, mayayaman na bigkasin.

 

Bayanihan, salitang nagliliwanag sa isipan,

Ito'y ugat ng kultura, tibay ng aming bayan,

Kamay sa kamay, tulong-tulong at pagkakaisa,

Wikang kultura, laging nagsasama-sama.

 

Ang Kangga Festival, handog ng aming bayan,

Pagdiriwang na may hiwaga at kahanga-hanga,

Alay sa Diyos, anihan at tagumpay na natatangi,

Wika at kultura, nagluluwal ng tunay na ligaya.

 

Mahal namin ang wika't kultura, kayamanang dakila,

Ipinagmamalaki nang buong-puso, walang pag-aalinlangan,

Susi ng ating pagkakakilanlan, ng ating pagkatao,

Wikang kultura, diwa ng aming bayan, walang katapusan.