Sa bawat titik at pantig na bumubuo ng wika,
Sumisibol ang diwang sumasalamin sa bansa.
Kasaysayang inukit ng mga bayani’t makata,
Ipinasa sa labi ng bawat Pilipinong dakila.
Wikang Filipino, sangkap ng pagkakaisa,
Tulay ng pag-unawa sa pulo’t bawat isla.
Sa lilim nito’y nagtagpo ang iba’t ibang diwa
Mga alamat, sining, awit, at musika.
Sa salita’y umusbong ang harana’t kundiman,
Mga bugtong at salawikain, gabay ng isipan.
Katutubong awit, sayaw, at pananampalataya,
Lahat at salamin ng wikang sadyang mahalaga.
Kung wala ang wika, saan tutungo ang lahi?
Paano babalikan ang ugat ng ating sarili?
Ito’y tila ilog na walang hanggang daloy,
Dalang alaala’t aral na dapat ipagpatuloy.
Wikang ipanaglaban sa mga dayuhan,
Kulturang kailanma’y di dapat kalimutan.
Talento’t dunong ng ating mga ninuno,
Baon sa pag-unlad ng bawat Pilipino.
Sa kabataan sa kasalukuyan, kayo ang pag-asa’t gabay,
Sa bawat buklat ng aklat, karununga’y sumisiko’t sumisikay.
Huwag hayaang mabaon sa dilim ng paglimot,
Pagkat wika’y susi sa pagkatuto, pagbangon at pag-ikot.
Ito ang ating dangal, ating pagkakakilanlan,
Sandigan ng puso sa gitna ng hamon at pagbabago’t laban.
Mula Baybayin, abakada, hanggang abecedario’t Filipino,
Wika ng bayang matikas, di matitinag, di matutuyo.
Kaya’t Wikang Filipino, pagyamanin, ingatan,
Sa puso’t isipan, huwag hayaang maparam.
Sapagkat sa bawat bigkas at pagsasalin ng diwa,
Naroon ang kultura, mayaman, makulay, at buhay na buhay.