Return to site

WIKANG FILIPINO: PUNDASYON NG DIWANG MAKABANSA

ni: MARY JANE V. SUELLO

Sa bawat paglalakbay na aking ginagawa

Sa bawat sandali na ako'y nakikisalamuha

Interkasiyon sa kapwa sa tuwi-tuwina

Napapadali dahil sa gamit kong wika

Lingua francang karamihan ay hinahasa

Sa bahay man, paaralan at kahit saan man

Taglay ang hiwagang dala sa sambayanan

Mahikang nakakahumaling pakinggan

Kulturang nakakaengganyo

Ugaling Pilipino, mahinhin at pino

Puno ng paggalang, po at opo at sumisilang

Pagkamaginoo na sa kalalakihan at dapat pamarisan

Tatak ako, tatak ikaw at tatak tayo!

Pilipino sa diwa, nakatali sa kultura

Anak ng Silangan

Perlas na kumikinang

Napapalibutan ng hiwagang kahali-halina

Diwang makabansa nakatatak sa kultura

Isang tunay na tao, tunay na Pilipino

Kita sa ugali, kilos at gawi ko!