Sa Luzon, Visayas, at Mindanao, ating bayan,
Mga wika't kultura, nagkakaisang tahanan.
Ilocano sa hilaga, Cebuano sa gitna,
Kinamayo sa Surigao, lahat ay may pagpapala.
Inang sa Baguio, "Naimbag a bigat!" ang bati,
Tatay sa Cebu, "Maayong buntag!" 'di nagpapahuli.
Lola sa Surigao, "Marajaw adlaw!" masayang sigaw,
Sa Filipino, lahat ng pagbati'y umaapaw.
Adobo sa Maynila, lechon sa Cebu na masarap,
Kinilaw sa Surigao, panlasa'y talagang aangat.
"Kain na!" "Kaon ta!" "Mangan kita!" sabay-sabay,
Sa wikang pambansa, sa pagkain tayo ay pinagtitibay!
Naliyagan sa Agusan, Ati-Atihan sa Aklan,
Kadayawan sa Davao, Karawasan sa Surigao del Sur naman.
Sayaw at awit, iba-iba man ang tunog,
Sa Filipino, lahat ng saya'y napag-bubuklod!
Bundok Apo sa Mindanao, Mayon sa Bicol,
Chocolate Hills sa Bohol, lahat ay kahanga-hanga't ukol.
"Ang ganda!" "Nindotay kaayo!" "Marajaw!" sambit ng lahat,
Sa ating wika, kagandahan ay madaling maipamulat!
Hablon ng Iloilo, Inabel ng Ilocos,
T'nalak ng T'boli, Kinamayong habol.
Iba-iba man ang tawag, iisang diwa ang taglay,
Sa Filipino, ating sining ay nagkakaisang tulay.
Batang Tagalog, Bisaya, at Kinamayo,
Sa paaralan, magkakaibigan agad tayo.
"Kumusta?" "Kamusta?" "Kumusta man?" walang ligalig,
Sa Filipino, pagkakaibigan ay madaling ipaglawig.
Mula Aparri hanggang Jolo, bansa'y nagkakaisa,
Iba-ibang wika, ngunit iisang diwa.
Filipino ang nagbubuklod, kultura'y pinagyayaman,
Bawat salita'y kayamanan, ating pagkakakilanlan.