Wika, wika paano ka ginawa?
Diba’t ika’y bunga ng panalangin sa Poong Maykapal?
Minarapat na yumabong at magkaroon ng saysay
Diba’t ika’y bunga ng pagmamahal?
Ng mga bayaning nagbuwis ng buhay
Ngunit sa mundong pabago bago
‘di mo malaman ano ang takbo
Biglang may dumayo mula sa ibang ibayo
Kabataan, ano naman ang mgagawa mo?
Upang karapatan ay ating matamo
Karapata’y nawala ng isang iglap
Nagbago nang ako’y kumurap
Hindi naglao’y nabawi ring ganap
Bagama’t ‘di mawari kung Amerikano o Koreano
Ang lahing pinagmulan
Diyos ko saan ngayon mangangapit?
Sa piling mo kami’y lalong lalapit
Wikang Filipino’y tila nanganganib
Dahil sa mundong delikado, kung minsan ay dehado
Ako’y kabataang proprotekta’t aalay sa’yo
Panahon ma’y nagbago
karapatan mo’y di naglaho
Taas-noo kahit kanino, Pilipino ang lahi ko
Wikang Filipino’y ipagmalaki mo!