Sa bawat titik na ating binibigkas,
Kasaysayan natin ay muling bumabalik.
Sa wikang Filipino, buhay ay sumiklab,
Kwento ng bayan, sa puso'y nananabik.
Sa silong ng araw, laban ay sinimulan,
Ng ating mga bayani’t magigiting na pangalan.
Ang wika’y naging sandata ng katotohanan,
Sa digmaan ng diwa’t kasarinlan.
Taglay ng wika ang sigaw ng lahi,
Panawagan ng tapang sa bawat salinlahi.
Ito’y ilaw sa landas ng pagbabago,
Tinig ng nakaraan sa bagong mundo.
Wika’y alaala ng lumipas na hirap,
Ng pag-ibig sa Inang bayan na di matitibag.
Habang ito'y buhay at patuloy na gamit,
Kasaysayan natin ay ‘di kailanma’y malilihis.
Kaya’t gamitin, mahalin, pagyamanin ito,
Wikang Filipino—ating dangal at puso.
Kasaysayan ay buhay sa bawat kataga,
Sa wikang minana, tayo’y may halaga.