Return to site

WIKA: PAGYAMANIN SA

PUSO’T GAWA

ni: DAYANG DAYANG RAIMA J. SALIH

Sa dibdib ng lahing may dangal at puri,

Wikang minana’y ginintuang sali’t salinlahi,

Bayanihan sa puso, sa salita’y sumisidhi,

Sama-samang layunin, pagkakaisang tunay na batid.

Sa lansangan, bukirin, sa paaralang mahal,

Wika’y tulay ng damdamin, damdami’y hindi banal,

Dahil sa pagtutulungan, diwa’y nagiging banal,

Pagkakaiba’y sinasanto sa pagkakaisang dangal.

Hindi hadlang ang iba’t ibang salin,

Sa Yakan man o sa Tausug damhin,

Bawat tinig, iisa ang hangarin,

Matibay na bayan, sa wika'y nagsisimula rin.

Kung bawat isa'y may malasakit na dalá,

At wikang Filipino’y itatanghal sa dila,

Magkakapit-bisig sa gawa’t salita,

Ang pagkakaisa’y di matitibag kailan pa man sinta.

Ang wika'y haligi ng pagkatao’t lipunan,

Dito nagsisilang ang adhikang bayan,

Bayanihan sa wika'y tulay ng kaalaman,

Tungo sa pambansang matibay na sandigan.

Sa oras ng sakuna o ng kasayahan,

Wika’y gabay sa pagtugon ng sambayanan,

Tinig ng masa, lakas ng sambayanan,

Tungo sa iisang landas ng kaunlaran.

Wika'y di lamang salita sa papel,

Ito'y buhay na diwa sa bawat kapwa’t kapil,

Kung iisa ang sigaw sa bawat awit at dasal,

Lalakas ang bansa, magkakaroon ng dangal.

Kaya’t halina’t pagyamanin sa puso’t gawa,

Ang wikang sarili’y wag kaligtaan kailan pa man sinta,

Bayanihan sa wika’y huwag mapawi’t mawala,

Sama-sama tayong tatahak sa landas ng pagkakaisa.