Return to site

WIKA: DALUYAN NG PAGKAKAKILANLAN!

ni: MARY JANE V. SUELLO

Ang wika ay isang sistema ng mga simbolo, tunog, at salita,

Ginagamit ng mga tao upang makaunawa,

Ang wika ay isang mahalagang instrumento,

Kung wala ito, mahirap magkakaunawaan ang tao

Wika rin ang nagpapakita ng ating pagiging malikhain,

Sa paggamit ng mga idyoma at salawikain,

Sa pagpapahalaga natin sa wika, ito’y sumasalamin,

Sa mga karanasan, at lumalagablab na damdamin.

Ang wika ay hindi lamang paraan ng komunikasyon,

Ito ang nagpapakilala ng ating kasaysayan, ng ating tradisyon,

Sa Pilipinas, may mahigit sa 100 na diyalekto,

Marami man at nakakalito, pero natatangi at sumasalamin sa pagiging Pilipino.

Sa mahal nating Pilipinas,

May iba't ibang rehiyon at pangkat,

Bawat isa'y may sariling kwento,

Na nagbubuklod sa ating pagkatao.

Ang wika ay tunay na yaman,

Na dapat nating bigyang-kabuluhan at ingatan,

Ipagsigawan at ipagmalaki,

Dahil ang wika ang bumibigkis sa ating lahi.

Sa pag-usbong ng globalisasyon at pagdami ng wika,

Maririnig natin ang iba't ibang mga salita,

Wikang Filipino'y unti-unting nawawala,

At pang lalaho na parang bula.

Imulat mo ang iyong mga mata,

Wikang Filipino, pagyamanin ay ibandila,

Dangal at damdaming nag-uugnay ng ating lahi,

Saan mang lupalop tayo dadampi.