Return to site

WIKA AT KULTURA, IPAGMAMALAKI KITA

ni: MRS.GREZI P. DULAY

· Volume V Issue I

Ang wikang Pilipino ay mayaman sa kultura

Iba’t ibang man na salita pagmamalaki kita

Ang tradisyon at kultura ay kilalang-kilala

Ating pahalagahan hanggang tayo ay tumanda

 

Ipagmalaki natin ang ating sariling wika

Sapagkat ito ay ating wikang pambansa

Wika’t kultura ating pahalagahan

Ito’y simbolo ng ating pagkakilanlan

 

Ang wika at kulturang Pilipino ay wikang igagalang ko

Ito’y pamana ng aking ninuno

Ipagmamalaki ko ito ng buong puso

Dahil ito ang wikang kinagisnan ko

 

Ang wika at kultura dito tayo nagkakaisa

Hindi lamang sa salita maging sa isip at gawa

Kaya dapat nating mahalin

Dahil ito ay pamana sa atin