Return to site

UNA AT HULING PAMANA

ni: DARREN DALE D. ANTALAN

W- ikang makinang, nagwawangis na animoy isang purong ginto

I- pinagmamalaki ng buong tapang saan mang sulok ng mundo

K-ultura at wikang pinamana, aalagaan na parang natatanging perlas

A- ng pitong libots Isang Daan na pulo ay walang hiyas na tutumbas

N-adapa at muling bumangon, pilit pinalubog pero kusang umahon

G- anyan tayo hinasa ng ating ninuno, lumipas man ang panahon

 

F- ilipino ang salita ko ang dugo ko ay mula sa mandirigma

I- paglalaban ang karapatan, huwag ka lang mawala

L- ahat man ay madadala ng umuusbong na teknolohiya

I-kaw parin ang bibigkasin ko, buong tapang at di mahihiya

P-inalaki akong kayumanggi, hinubog ng mga katunggali

I-sang wika man na maituturing, ngunit salamin ka ng bayani

N-ananalantay na sa aking lahi, ang wikang Filipino ay pipiliin

O-o nga at mahirap Kang mahalin, Pero ikaw parin ang para sa akin

 

M-ayamang Paraiso katumbas ng kulturang pilipino

A- ng mamatay ng dahil sa iyo, ay malaking karangalan ko

Y- aman mong taglay sa tubig, lupa, himpapawid at mga tao

A- ko ay taas noong makikipagtalastasan sa wikang Filipino

M- apadpad man ako, sa pinakamalayong ibayong dagat

A-ng uuwian ko parin ay ang kung saan ako unang namulat

N-agsilisan man ang ibang kalahi, hindi parin maiwawaksi

G-amit itong tinta at papel, wikang Filipino parin ang aking haligi

 

K-ultura at wika natin ay parang pinta na palamuti sa ibang bansa

U-na at huling bukang bibig ko, saan man ako mapunta

L-isanin man kita ng panandalian, babalik parin sa Perlas ng silangan

T-angayin man ako ng katanyagan, lilingon parin sa pinanggalingan

U-maasang sa bayang kinagisnan, ang wika mo parin ang mapakikinggan

R-etorika, Wika at Kultura ang iingatan ko bilang una at huling pamana

A-ko ay pilipino, Filipino ang salita ko hanggang sa aking huling hininga