Return to site

UGONG NG GINTONG BARKO

ni: EZEKIEL YEN R. GARCIA

Sa isang malayong isla sa Pilipinas na kung tawagin ay Galapagasia, may mga naninirahan doon na may mga tradition na pinaniniwalaan at kulturang sinusunod. Ang mga tao roon ay masisigla at masasaya, nagtutulungan sa lahat ng oras. Ngunit isa sa pumukaw ng atensyon ng lahat ay ang kababalaghan nagaganap sa isla na iyon sapagkat may mga sabi-sabi ng naririnig tungkol sa isang misteryosong tunog na nangangaling sa karagatan tuwing sasapit ang gabi o madaling araw. Sa isang baryo doon, may pamilyang naninirahan malapit sa tabing-dagat, ito ang pamilya Roma. Ang pamilya Roma ay kilala bilang isang mabuti, matulungin at higit sa lahat may takot sa diyos, kilala rin sila dahil hindi sila naniniwala sa mga tao sa dilim o sa mga kababalaghang nagaganap sa mundo na hindi gawa ng nabubuhay na tao kundi mga engkanto, diwata at mga multo o aswang. Ang kanilang haligi ng tahanan ay nagngangalang Jazi at ang ilaw ng tahanan na si Rosa, sila ay may dalawang anak si Eli at si Roan. Isang gabi habang natutulog ang pamilya Roma ay may narinig silang isang lagaslas ng alon na na may kasamang dagundong na likha ng isang barko... Lumabas si Jazi at tinawag niya ang kaniyang pamilya, naunang lumabas sa kanilang tahanan ang kaniyang panganay na anak na si Eli habang sumunod naman ang kaniyang asawa na si Rosa na kasama ang kanyang bunsong anak na si Roan at lahat sila ay nagulat sa kanilang nakita. Isang malaki at nababalot ng kumikinang na ginto ang barko. Pumasok sila sa loob at binalewala nalamang iyon dahil sa pag aakalang ito ay guni guni lamang nila. Kinaumagahan habang namamalengke si Rosa sa pamilihang bayan ay naririnig nya ang mga sabi sabi ng mga tao sa kaniyang paligid tungkol sa barkong nababalot ng ginto, may nagsasabing " Hindi iyon ginto, iyon ay mga ilaw lamang na nagmumula sa barko at hindi totoo ang gintong barko" may iba naman na nagsasabing " Totoo yon!, nakita ko yon kagabi... Isang malaking barko na ang kulay ay ginto". Pagkabalik ni Rosa galing sa palengke ay agad nya itong ibinalita sa kanyang asawa, "Jazi! Jazi! Mahal! Jazi!, mayroon akong ibabalita sa iyo. Na aalala mo ba yung nakita natin kagabi? Nakita rin pala iyon ng mga kapitbahay at mga mamimili doon sa palengke at pinag uusapan nila ang tungkol doon sa gintong barko nakita natin kagabi", Sumagot si Jazi "Totoo pala iyon? Akala ko ay guni guni lamang". Sa araw ng Linggo ay pumunta ang pamilya sa simbahan upang magsimba, nang matapos ang misa ay dumaan muna sila sa bahay ng ina ni Rosa upang doon magtanghalian. Habang abala mag-asawa sa pag aasikaso ng kanilang kakainin ay pumunta muna sa kanilang lola Felipa sina Eli at Roan, kwinento nila ang tungkol sa nakita nila ng isang araw, ang gintong barko. Nagkuwento ang kanilang lola tungkol sa barkong iyon at ang sabi ay "Matagal na yang nagpapakita at dumadaan sa isla, sinasabi ng mga nakakatanda sa lugar na ito na ang barko na iyon ay ang sasakyan ng mga elemento papunta sa isang lugar, may mga nagsasabi rin na ang barko na yon ay tumatawid sa ilog at dumadaong ito sa bundok Giring". Pagsapit ng gabi ay naghanda na ang pamilya upang matulog at maya't maya lamang sa kalagitnaan ng kanilang pagtulog ay narinig naman nila ang tunog ng barko... Lumabas ang pamilya upang tignan at muli na naman nilang nakita ang barko at doon nila napatunayan at doon na sila naniwala sa mga sinasabi ng mga matatanda na base sa sinabi ng ina ni rosa na si lola Felipa na mayroon talagang mga elemento sa ating paligid na nagpapakita sa kung kailan nila gusto o upang himingi ng dasal at tulong para sa mga hindi matahimik na kaluluwa, ang mga elemento na nandyaan lamang sa ating paligid ngunit hindi nakikita ng pangkaraniwang mga mata.