Wikang yakap nating mga Pilipino,
Sagisag ng ating pagkatao.
Tinig na sa atin ay bumuo,
Kaisang tulay ng bayang ito.
Nagsilbing gabay at ilaw,
Sa dilim na walang matanaw.
Mamamayang iisa ang sigaw,
Damdaming nag-aalab sa bawat galaw.
Kaugaliang sa ati’y ipinamana,
Tulad ng pagmamano kay lolo at lola.
Respeto para sa bawat isa,
Kasama ang pananampalataya.
Sa tulong ni Jose Rizal tayo ay napalaya,
Mula sa mga mapang-abusong Kastila.
Inalay sa’tin ang kaniyang mga gawa,
Tayo’y naligtas, hindi sa armas kundi sa salita.
Mga naiwang alaala ng kasaysayan,
Yamang inihabilin sa’tin ay ingatan.
Nakatatak sa aming puso’t isipan,
Sana gayun din sa inyong kabataan.