Return to site

TINIG NG BAYANIHAN, WIKA NG PAGKAKAISA

by: MARY ROSE T. AUSTRIA

Sa bawat pantig ng wikang mahal,

Kasaysayan natin ay buhay na banal.

Hindi ito basta salita sa papel,

Ito’y apoy ng lahi—matatag, masigla, at marangal.

“Mabuhay!” sa Tagalog, “Agyamanak” sa Ilokano,

Tunog ng kultura, puso ng Pilipino.

Sa wika, damdamin ay naipapahayag,

Tulay ng bayanihan sa bawat paglalayag.

Sa paaralan, tahanan, at lansangan,

Wika’y sandata ng pagkakaunawaan.

Sa bawat aral, awit, at panalangin,

Nagkakaisang tinig sa pag-asa’t adhikain.

Hindi hadlang ang pagkakaiba,

Kung ang wika’y tulay ng pagkakaisa.

Sa bayanihan, sama-samang pagkilos,

Matibay na bansa, sa wika’y tumatagos.

Kabataang Pilipino, ikaw ang pag-asa,

Sa wikang minana, huwag kang mawawala.

Gamitin sa gawa, sa isip at salita,

Upang ang bayan mo’y lalong mapagpala.

Bayanihan sa wika, ating isulong,

Sa pagkakaisa, tagumpay ay tutuong.

Matibay na bansa’y sa wika nagmumula,

Pagmamahal dito’y tunay na dakila.

Sa bawat salitang ating binibigkas,

Nabubuhay ang alaala ng mga bayani’t lakas.

Sa wikang Filipino, tayo’y nagkakaisa,

Matibay na bansa, sa diwa ng pagkakaisa.

Kaya’t Filipino at katutubong wika ay dakilain,

Huwag ikahiya, bagkus ay yakapin.

Sa puso ng bayan, sa diwa ng masa,

Ang wika ng bayan ay tinig ng bayanihan at pagkakaisa.