Mga ngiti, mga ngiting hindi masukat nang ako'y makapasok sa pagtuturo.
Mga ngiting nagbigay pag-asa na mabago ang bawat pananaw ng isipan ng
bawat taong nagsasabing huling choice lang ito.
Mga ngiting parang Hindi mabitiwan ang init at saya
dahil excited akong makahalubilo ang mga bata at gurong tulad ko.
Sa kabila ng pagiging working student Tinapos ko ito,
kahit hindi ko pinapangarap na bandang huli ito ang choice ko,
tinapos ko ito sa kabila ng kawalang pera kinaya ko kahit alam kung mahirap,
natuntun ko ang isang yapak ng pagwawagi bilang isang propesyonal na guro.
Naipasa ko ang Licensure examination Test,
ngunit hindi pa dito nagtatapos ang pakikikalbaryo,
kailangang dumaan sa pila sa pag apply at dumaan sa maraming proseso at
panayam na kailangang pagdaanan upang makuha ko ang pinapangarap ko.
Ang kagalakan na nadarama ay Hindi masukat
ng anumang kayamanang iniaalok ng mundo,
dahil ito ang pangarap ko, itayo ang dignidad ng pamilya ko
sa kaisipan ng ibang Tao na wala kaming matatamo
dahil parehong magulang hindi nakapagtapos sa pag -aaral.
Sa wakas ikaw ay napagtagumpayan ko, sa mga taong pagtuturo ko,
napagtanto ko ang mga trabaho at responsibilidad ng isang guro,
isang asawa, kapatid, anak, kaibigan, ate, guidance counselor, nurse,
pangalawang nanay kulang nalang maging tunay na inay.
Mahirap at mabigat ang trabaho araw-araw papel ang kasa-kasama mo,
bukod pa dito mga batang iba't-ibang anyo ang pag-uugali, idagdag mo pa ang nga magulang na may ibat-ibang pananaw at pag-iisip.
Minsan, kung sino pa gumagawa ng tama ikaw pa ang ang nasisisi sa bandang huli.
Minsan,ikaw na ang kusang tumutulong ikaw pa ang lumalabas na mali.
Ang akala nila mga guro puro lang upo,
hello kumustahin mo naman kami hindi ninyo kami masisisi
kung ito ang aming napili kung wala kami sino ang mananatili,
sino ang maglalagay ng unang kaalaman ng ABC?,
kung bawat galaw at salita ay laging namamasid
ng mga tao sa paligid na napakakitid ng pag-iisip.
Minsan, pati pagbibigay disiplina kailangang No touch ka,
kaya resulta grade 5 na No Read, No write pa.
Minsan, nakatanggap ako ng love letter na sinasabing
kung ano ano raw ang aking mga binibigay na takdang aralin
Ngayon, pati takdang aralin ipinagbabawal nadin?
oo nga naman para sila'y mabigyan ng maluwag na oras
sa paglalaro sa gadgets nila.
Oo nga Naman "karaparang makapaglaro" ika nga.
kung kayat masmaraming bata tititigan ka nalang sa mata,
pati magpulot ng basura hindi Pa magawa.
Ang disiplina ay unang natututunan sa tahanan,
mga guro ang siyang nagsusulong sa mga kanais-nais na pag-uugali.
Ngunit kapag sa tahanan bata'y walang dinadatnan,
walang natututunan,
walang pagkakaisa at pagmamahalan,
huwag niyo namang isisi sa lahat sa aming mga guro
kung bakit ang grado at performance ay may kakulangan,.
Hindi ko maikumpara ang noon at ngayon,
dahil ang mga bagay na natapos na Hindi na maibabalik Pa
ngunit pwede natin na itama mga maling nagawa.
Ngayon, oo ngayon ang tamang aksyon, at tamang pagdidisiplina
kung nais natin sila ay magtagumpay sa mga pangarap nila.
Sa kabila ng nakakapagod na papel at ugaling kelangang pangasiwaan,
nananatili parin ang galak sa puso ko,
nanatili parin ang pag -asang ako'y magbibigay ilaw
ng may tama at positibong pag-iisip at
pananaw sa araw- araw na pamumuhay
sa paaralang pinasukan ko.
Oo minsan naiiyak ako, naiiyak ako sa pagod na dinadala ko
pero ni minsan hindi ko ito pinagsisihan
dahil ang alam ko lahat ng sakripisyong ito ay may papupuntahan.
Kahit na sinasabing “teacher LANG”, kahit minsan hindi binibigyan ng galang,
binabangga lang , o kaya nama'y kahit pirasong ngiti manlang.
Kunting galang naman kaibigan,
“Teacher LANG” naman ang unang humuhubog
sa kaisipan ng bawat mamamayang ngayo'y nasa
matataas na posisyon sa iba't-ibang larangan.
Minsan naiiyak ako sa galak dahil sa mga
katrabaho kung inspirasyon ay
ang mga batang nakapagtapos sa pag -aaral.
Dahil kahit papaano sa isang daang pinagtapos mo,
Iilang porsyento lang ang bumabalik at
nagsasabi ng " Maraming salamat po Guro" .
Iilan lang ang nakakaalala sa tunay na pasasalamat ng mga
sakripisyong ihinatid ng mga tulad kung guro.
Ngayon, kami naman ang inyong damayan,
kami naman ang inyong pakingan, dahil may
pamilya din kaming nangangailangan ng atensyon at pagmamahal.
Kami naman ang bigyan ng karapatan,
karapatang Malaya din mabuhay ng matiwasay
at malayang maisiwalat ang katotohanan
ng walang halong karumihan at kadiliman.
Huwag ninyo kaming piliting bumaba,
dahil kung kami'y manghina,
lahat ng pangarap ng bawat bata
ay unti-unting mawawala.