Maliwanag ang paligid ngunit hindi matanaw ang bukas
maraming upuan puno ng taong ibat ibang landas
Malayo sa isat isa ang wikang binibigkas
Marahil malayo sa karamihan ang kinagisnan
Paano pagtitibayin ang sariling atin
Paano mapupunan ang puso't diwa
kung ang bawat isa ay mula sa ibang wika
kakayanin bang kamitin ang nag iisang hangarin
kung karamihan ay may sariling hangarin
Sa panahon ng pagkakalayo at pagkakaiba
Mapapatunayan ba na tayo'y nagkakaisa
Sa harap ng mapanghusgang mga mata
Sa gitna ng gulo ng madla
Hindi kailanman nawalan ng saysay ang ating wika
Kahit minsang pinili ang mga banyagang salita
Handa ka bang makiisa sa papel ng bayanihan?
Handang Ipagpatuloy ang malalim na ugnayan?