Return to site

SIPAT-SURI SA LOKALISADONG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA FILIPINO BILANG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO
NG WIKA AT KULTURA

ALREEN MITZCHELL S. ALVAREZ

NIÑO M. LUNA

Talisay Senior High School

ABSTRACT

Ang pag-aaral na ito ay Sipat-Suri sa Lokalisadong Kagamitang Pampagtuturo sa Filipino Bilang Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika at Kultura ay naglalayong suriin ang mga lokalisado at kontekstwalisadong kagamitang pampagtuturo na nakaangkla sa sa mga araling magtatalakay nito sa mga bagay na pamilyar at makabuluhan sa mag-aaral. Sa kabilang banda, layunin din nito na paigtingin pa ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa mga sagisag-kultura ng kanilang komunidad.

Ang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik. Ang mga tagasagot sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa Grade 11 ng Talisay Senior High School ng Taung-Panuruan 2023-2024 na may kabuang bilang na 228 na pinili gamit ang Quota Sampling. Gumamit ng talatanungan upang masipat at masuri ng mga mananaliksik ang lokalisadong kagamitang pampagtuturo bilang estratehiya sa pagtuturo ng wika at kultura. Ang istadistikang ginamit ay frequency, mean at percentage. Ginamit din ang pearson-r upang makita kung may makabuluhang kaugnayan ba ang lokalisadong kagamitang pampagtuturo bilang epektibong estratehiya sa pagtuturo ng wika at kultura.

Lumabas sa pag-aaral na ang lokalisadong kagamitang pampagtuturo sa Filipino na ginamit ay napatunayang kapaki-pakinabang batay sa nilalaman at wikang ginamit dahil mas maunawaan ng mga mag-araal ang kanyang sarili, pinagmulan at lipunang kinabibilangan. Lumabas rin na may makabuluhang kaugnayan ang lokalisadong kagamitang pampagtuturo batay sa nilalaman at wikang ginamit bilang epektibong estratehiya sa pagtuturo ng wika at kultura.

Inirerekomenda sa mga guro na lumikha ng mga lokalisadong kagamitan sa kanilang asignatura at gamitin ang mga karanasan at pangyayari sa lipunang kinabibilangan ng mga mag-aaral.

Keywords: Lokalisasyon, Kontekstwalisayon, Kagamitang Pampagtuturo sa Filipino