Ako’y isinilang at namulat sa lupang tinubuan na Perlas ng Silangan.
Pinahahalagahan at ipinagmamalaki ang wikang nakagisnan,
na naglalarawan sa mayamang kultura ng ating bansa,
at nagbubuklod sa atin hanggang sa pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya.
Sariling wika ang naglinang sa ating mga kamalayan, mula sa kabihasnan,
hanggang sa paglaganap ng midyang pangmasa, na isa rin sa mga daan ng kaunlaran.
Ang ating mayamang kultura ay naipakita na sa mga dayuhan,
at sila’y nahumaling sa mga uri ng kultura na mayroon ang ating bayan.
Ating naipamalas na mga kakayahan sa sosyal media ay maraming banyaga ang nahalina,
kaya sariling wika ay unti-unting nawalan ng pansin o nabaliwala.
Wikang Filipino ang pinakamahalagang bahagi ng ating kultura.
Nabawasan o nadagdagan man, huwag hayaan na tuluyang mawala.
Maraming pagsubok ang dumating na nakakapagpabagabag sa ating isipan,
Ang ating wika ang kasangkapan ng ating hindi matitibag na paninindigan
Ito ang ating tanglaw sa pagharap ng gabundok na mga problema
at protektahan ang ating kultura sa buo nating makakaya.