Sa mundong puno
ng pagbabago,
Wika’y tanglaw sa bawat yugto.
Sa alinmang dako ng mundo,
Tatagal ka, 'pag dala mo ito.
Kahit lumipad sa ibang bayan,
Ang puso'y sa Inang Bayan pa rin laman.
Ang salita ng lahing minamahal
Ay sandatang 'di
kailanman mapaparam.
Sa bawat titik at pagbigkas,
Dangal ng lahi'y muling bumangon.
Ang wika'y lakas sa panahong wasak—
Sandata ito ng pusong mandirigma.
Oras ng Pagkakaisa, Panahon ng
Pagmamalasakit
Sa bawat pantig na isinulat ng dugo,
Kasaysayan natin ay
muling binuo.
Ang wika’y tala sa dilim ng gabi,
Gabay ng bayan sa gitna ng pighati.
Hindi ito salita lamang ng bibig,
Ito’y ugat ng puso’t pag-ibig.
Sa wika, may tapang
tayong taglay,
Bawat salinlahi’y may dangal
na tunay.
Wika ang sandatang taglay
ng lahi,
Kalakip ng diwang 'di
kayang alipinin.
Sa gitna ng gulo ito’y
kapayapaan,
Sa gitna ng tanong,
ito’y kasagutan.
Kaya't sa bawat batang natututo,
Sa bawat gurong nagsusulat
ng tula,
Sa bawat Pilipinong
marunong magmahal—
Ang wika natin ay buhay na dangal.