Return to site

SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL SA PAGKATUTO SA FILIPINO: BASEHAN SA PAGGAWA NG

SANAYANG GAWAIN

LYNCE R. BARCELON

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang mga Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pagkatuto sa Filipino: Basehan sa Paggawa ng Sanayang Gawain. Napatunayan na ang malaki ang naging dulot ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino basehan sa paggawa ng sanayang gawain lalo na higit sa baitang pito hanggang sampu ng sekondarya. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang kahusayan pa sa paggawa ng sanayang gawain at upang malinang at mapalawak pa ang mga isip ng mga mag-aaral sa baitang pito hanggang 10 ng Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc. Anim na pu´t apat (64) na mag-aaral ang ginamit na tagatugon sa mag-aaral na ginagamitan ng deskriptibo-kwalitatibo o paraang paglalarawang matematikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng (questionnaire) at ginagamitan ng pagsusuring estadistikong Pearson r, independent t-test. Natuklasan sa pag aaral na may mga mag-aaral na sa tulong ng guro ay mas napapalawak pa nila ang kanilang mga kaalaman. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral na ang pagkatuto sa Filipino ay isang napaka mahalaga upang mahasa ang kakayahang umunlad at makamit ang tagumpay sa darating na hinaharap.

Mga Susing Salita: Pagkatuto sa Filipino, Paglinang, Baitang 7 hanggang 10