Return to site

SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO KAUGNAY SA KANILANG PANG-AKADEMIKONG PERPORMANS

JOHANNA GHIE A. BUÑO

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang Saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino kaugnay sa kanilang pang akademikong perpormans.

Ang mga respondente ng pananaliksik na ito ay ang piling mga mag-aaral at mga guro na kasalukuyang nagtuturong asignaturang Filipino na gumamit ng ibat ibang pamamaraan na panturo. Ito ay ginawa sa taong panuruan 2023-2024 sa pampublikong paaralan, Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc. Camp Avejar, Nasugbu Batangas Napatunayan sa pag-aaral na ito na malawak ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral kaugnay sa kanilang pag-unawa sa aralin, pag sali sa gawaing panggrupo, at pagsagot sa guro sa oras ng talakayan kung ang kanilang mga guro ay gumagamit ng ibat ibang pamamaraan ng visual na panturo. Di gaanong malawak naman nanaranasan ng mga guro ang mga suliranin kaugnay sa dami o bilang ng mga mag-aaral sa klase, pamamahala sa loob ng klasrum, at paggamit ng kagamitang panturo sa panahon na ginamit nila ang ibat ibang pamamaraan na panturo. Ang perpormans ng mga mag-aaral pagkatapos magamit ang ibat ibang pamamaraan ng visual na panturo ay natatangi na may kabuuang 3.48 malawak ang pagkaunawa ng mga mag aaral. May significant na kaugnayan sa pagitan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa paggamit ng ibat ibang pamamaraan na panturo sa kanilang pag-unawa sa aralin, pag sali sa gawaing panggrupo, pagsagot sa guro sa oras ng talakayan at ang kanilang akademik perpormans. Subalit walang kaugnayan ang lawak ng kanilang pag-unawa sa aralin, pag sali sa gawaing panggrupo, pagsagot sa guro sa oras ng talakayan oportunidad sa kanilang akademik perpormans. May significant na kaugnayan sa pagitan ng problemang nararanasan ng mga guro kaugnay sa dami o bilang ng mga mag-aaral sa klase at ang akademik perpormans ng mga mag-aaral. Sa kabuuang saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang filipino kaugnay sa kanilang pang akademikong perpormans ng mga mag-aaral

Mga Susing Salita: Mag-aaral, Kasanayan, Pananaliksik