Sa malawak na gubat, puno’y nagsisilbing haligi
Doon naglalakad mga aninong tila multo sa dilim
Mula sa ilalim ng buwan at perlas sa karagatan
Naririnig ang awit ng hangin sa kagubatan
Kasabay ng sinaunang puno, ugat ay nagkukuwento
Tulad ng isang liriko, musika’y patuloy na lumiliko
Sa palumpong ng mga halaman, mga dahon ay umaawit
Maligayang umiindak sa saliw ng sariwang hangin
Sa kaharian ng mga diyos, diyosa’y nagkukuwentuhan
Sa mga bituin ng langit, kanilang kwento ay umaangat
Sa ilalim ng ulap, mga higante ay nagbabantay
Malalim na tinig maririnig sabay sa patak ng ulan
Sa mga bundok, na mistulan nagbabantay
Doon ang mga anino’y bumubulong sa lupa
Ang kanilang tula at awit, sa hangin ay lumilipad
Animoy isang agilang naglalakbay ng malaya
Sa puso ng Pilipino, apoy ng sigasig ay umaalab,
Sa bawat pag-asa, liwanag ang nagsisilbing daan
Pag-ibig ang nagbubuklod sa pusong napapagod.
Nagbibigay lakas upang harapin ang bawat pagsubok.
Sa pagbabago ng wika, kasabay ng paunlad ng bansa
Ang awit ng mga anino ay kultura na pinagyayaman ng henerasyon
Tulad ng isang bahaghari na nagbibigay kulasy isang lahi
Saan na nga ba kumakanta ang mga anino? Sa puso ng isang tunay na Pilipino.