Wikang Filipino, wikang mapagpabago
ang wikang ito ay nakasanayan ng katutubong Pilipino
ating tangkilin sariling atin,
wika ay gamitin at ating palaguin
ito'y mahalaga upang tayo'y makaunawa.
wika'y pairalin at ating mahalin
ito ay dapat nakatatak sa atin, wika'y gamitin sa bayan natin.
Wikang kaluluwa ng ating bansa ito ay mahalaga at mapagpalaya,
ito'y gamitin ng tama upang Hindi tuluyang nawala.
Mula sa mga salita kwento'y umusbong.
W-I-K-A,apat na letra ngunit puno ng Diwa
Susi sa pagkakaintindihan ang bawat salita.
Yaman ng lahi ng dugong pilipino
Filipino at wikang katutubo
Minana pa mula sa ating mga Ninuno
Kaluluwa ng ating pagkatao
Ating wikang pilipino mananatiling buhay
Sa makabagong panahon ito'y sumasabay
Katutubong wika ay haliging matibay
Wikang pilipino ang ilaw at sabay.
Sa bawat titik na ating binibigkas
Kasaysayan natin ay muling bumabagtas
Sa himagsikan ay nag si-silbing lakas
Upang sa mapangahas na Kamay ay makaligtas
Ating tangkilikin at pagyamanin
Filipino at wikang katutubo ating linangin
Gamitin at ating buong pusong mahalin
Wika ko, wika mo at wika natin.
Sa matibay na pundasyon
Salamat sa iyo, tayo'y muling nag tagpo
Sa Kabila ng lahat, tayo ay konektado
Wikang pilipino, wikang mapagbago.