Return to site

PILIPINAS: AKING PANAGIMPAN 

CARLA M. PALAD

· Volume IV Issue I

Sandigan kong bayan

Kilatis ng Silangan

Wari bumabangon

Tila lumalaban

 

Sa isip, salita at sa gawa

Filipino ang syang mapagbanwa

Ihip ng hangin, daloy na maigting

Sa buhay natin kailangang kilalanin

 

Bagyo man at Pandemya

Pagsubok man at problema

Hindi titinag ang bansa kong panagimpan

Hatid ay pangarap na kaunlaran

 

Pandemya ka lang, kaya ka namin

Bagyo man at sakuna kahit pauli-ulit

Hindi matitinag ang bayan kong giliw

Lalaban, tatayo at sasalubungin

 

Kasama ang Poon sa lahat ng ito,

Ako man, ikaw, tayo ay babangon

Hindi basta tutumba sa hamon

Lalaban ng matuwid para sa layon.