Nagtatago na naman sa likuran ng pila si Pedring.
Tinatanaw ang pagkain nakahain sa Feeding.
Iniisip kung paano magdadahilan upang hindi makakain.
Titikman at aamuyin.
Subalit hindi uubusin.
Palihim sa basurahan ang taguan niya ng nutribun.
Uupo at madalas hindi gagalawin.
Makikisabay sa mga batang aalis matapos kumain.
Palaging ganito ang gawi ni Pedring.
Hindi naman talaga hirap ang kanilang pamilya.
Talaga lang ang dila ni Pedring mapili ang panlasa.
Kahit pa nutricookies ay ayaw niya.
Madalas si Pedring ay tamlay sa pagkain.
Kaya naman hindi na alam ng kanyang mga magulang ang gagawin.
Feeding na lang sana ang kanyang pag-asa.
Minsan sa loob ng klase lahat nagkagulo.
Si Pedring nakahawak sa tiyan at nawalan ng malay.
Binuhat si Pedring at sa ospital dineritso.
Pagbalik ni Pedring lahat ay nagtaka sa bagong gawi nito.
Pedring …Feeding!
Si Pedring pumilila ng sabik sa Feeding.
Masama ang palaging naka-tocino.
Ngayon paborito ko na ang upo.
Pabulong na wika sa katabi nito.