Nang ang pandemya’y bumalot at gumimbal sa tanan,
Takot at pangamba, sa bawat puso ay nanahan,
Mga katanungang paano, bakit, naging laman ng isipan,
Pagkabahala sa kaligtasa’y namayani sa bawat tahanan.
Ngunit ang tao’y nilikhang kawangis ng Diyos,
Nilalang Niya upang di pahirapan sa anumang unos,
Pagsubok, sulirani’y tulad ay isang gintong pinanday,
Lilitaw ang kinang, mag-aalab sa pagdarang sa init ng buhay.
Pandemyay nagdudulot di lamang ng takot bagkus mga aral,
Pagbubuklod ng pamilyay, pinagtibay, ikinintal,
Pagpapahalaga sa kalusugan, mental man o pisikal,
Naglalahong kalikasan, ating idulog rin sa Maykapal!
Pagkalinga, pagdadamayan, pagkakaisa
Malasakit, pag-ibig at pananampalataya
Mga positibong ugaling dapat taglayin ng bawat isa
Sa gitna ng pandemya, patuloy tayong mangarap at umasa!