Ako’y Pilipinong matapang, sa hamon ay laging handa,
Sa iba’t ibang wika’y ako’y namulat at lumago na.
Sa aking ugat ay dumadaloy ang dugong kayumanggi,
Matatag akong lalaban, kailanma’y di mapapawi.
Di man ako pansin sa mata ng madla,
Ngunit ako’y maghahain ng mundong may hiwaga
Wikang Filipino’y, dapat ipadiwang,
Sa sari-saring kultura’y yakapin at igalang.
Ako’y Pilipino-di matinag sa bawat taghoy,
Turuan ang kabataan ng diwang may daloy.
Sa luha, sakripisyo, at tunay na pagkatao,
Taas-noo kong sasambitin: Pilipino Ako!
Iba’t ibang tao man ang aking kaharap,
Bawat isa’y may sariling kulturang hinahangad at hinarap.
Kayang- kaya ba? Haharapin ko nang buo,
Tanong ng puso’y sagutin: may pag-asang totoo.
Ako’y Pilipino- may lakas at dangal na dalangin,
Sa laban man sa mundo, paninindigan ko’y dalisay at taimtim.
Ngiti ng tagumpay sa bawat Pilipinong umiibig,
Tanda ng tagumpay na sa puso ay masigla’t ligalig.
Di maiwasan ang hirap sa agos ng panahon,
Ngunit sa makabagong henerasyon, kultura’y huwag paglimunan.
Tula, awit, alamat, epiko- yamang kay rikit,
Huwag hayaang maligaw sa agos at sa init.
Bagamat ako’y simpleng Pilipino,
Hindi ako susuko sa hamon ng mundo.
Sa Diyos ang lakas, sa puso ang pag-asa,
Ang lahing Pilipino’y maghahari, walang kapwa magwawasa.
Kahit may takot sa hinaharap ang bawat isa,
Sasabay akong aabot sa mga munting pangarap nila.
Dahil ako’y Pilipino, matatag ang damdamin,
Wikang Filipino, salamin ng kulturang kay ganda’t giting.