ABSTRAK NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa ebalwasyon sa pagiging mabisa ng workteks mula sa piling kabanata ng Noli Me Tangere para sa Filipino 9.
Nagsagawa ng pagsusulit na pre-test at post-test upang makita ang level ng performance bago at pagkatapos gamitin ang workteks. Ginamit sa pag-aaral ang descriptive na pamamaraan na naglarawan ng mga proseso sa pananaliksik. Ang mga nagsilbing tagasagot sa pag-aaral ay ang sampong (10) guro sa asignaturang Filipino at walumpo (80) na mag-aaral sa grade 9 ng Alaminos Integrated National High School sa Alaminos, Laguna.
Sa walumpong (80) mag-aaral na tagasagot, lahat ay nakakuha ng markang 74 pababa sa pre-test samantalang matapos gamitin ang workteks naging matataas ang marka ng mga tagasagot sa isinagawang post-test. Marami sa tagasagot ay nakakuha ng markang 90 pataas. Ito ay nangangahulugang mabisa ang binuong workteks ng mga piling kabanata sa Noli Me Tangere.
Batay sa naging resulta ng ebalwasyon ukol sa pagtanggap sa kabisaan ng workteks, ang sampung guro at walumpong mag-aral na tagasagot ay “lubos na sumasangayon” sa kabisaan ng workteks na sinukat ayon sa pamantayang layunin, nilalaman, gawain at pagtataya. Ito ay nagpapakitang ang laman ng indikeytor sa pag-eebalweyt ng kagamitang pampagkatuto ay mga katangian na makikita sa workteks.
Sa ginamit na T-test para sa makabuluhang pagkakaiba sa performans ng mga mag-aaral, ang haypotesis ay di-tinanggap na nagsasabing may makabuluhang pagkakaiba sa performans lebel ng mga mag-aaral na tagasagot sa pre-test at post-test.
Sa ginamit na Independent Sample Test sa pag-eebalweyt ng mga mag-aaral at gurong tagasagot, lumabas na walang makabuluhang pagkakaiba sa ayon sa pamantayan.
Ito ay nangangahulugang iisa ang pananaw ng mga tagasagot sa pag-eebalweyt ng workteks bilang isang kagamitang pampagtuturo. Mabisa ang inihanda at ginawang workteks ng guro dahil saklaw nito ang mga inidikeytor na nakapaloob ayon sa mga pamantayan. Batay sa kabuuang pagsusuri, ang mga indikeytor sa pamantayang nabanggit ay lubos na sinasang-ayunan ng mag-aaral at gurong tagasagot sapagkat ito ay nakikita nilang katangiang taglay ng workteks.
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO
Panimula
Ang nobelang Noli Me Tangere ay ang pinakamaimpluwensyang akda sa kasaysayan ng Pilipinas sapagkat ito ang nagmulat sa Pilipino upang maghimagsik laban sa mga Kastila. Ito rin ang naging daan upang mabatid ng Hari ng Espanya ang mga katiwaliang ginagawa ng mga prayle sa mga Pilipino. Ang nobelang ito ay nabigyan ng pagpapahalaga dahil sa Batas Rizal noong 1956 kung saan nakapaloob ang Republic Act 1425 na nagtatalaga na isama sa lahat ng kurikulum ng mga paaralan ang pagpapahalaga sa pambansang bayani.
Kaugnay sa pagbibigay halaga ay ang pagpapabasa sa madla ng ilan sa kaniyang mga nobela tulad ng Noli Me Tanger at El FIlibusterimso. Sa kadahilanang ito, nagkaroon ng malaking espasyo sa pagpapasalin ng kanyang mga nobela upang mapalawak ang babasa at tatangkilik sa mga nobelang ng pambansang bayani. Malinaw ang layunin ni Rizal sa pagsulat ng nobela. Nais niyang ilarawan ang kalagayan ng bayan nang buong tapat at walang pangingimi. Sa pagkasangkapan ng imahen sa lambong na “tumatabing sa karamdaman,” sinikap na ibunyag ni Rizal ang mga pagdurusa ng kaniyang bayan. Sa buod ng mga kabanatang ito sa nobela, mamamalas ang ganitong pagtatanghal ng kalagayang-bayan, lalo na ang paghahari ng iilan sa mga sangay ng lipunan.
Nagbigay ng katanungan si Joey Vargas, isang artist, sa isang panayam para sa dokumentaryong pinamagatang “Ang Tao sa Piso” mula kay Matt Baguinon, kung gaano kagaling ang mga guro na nagtuturo tungkol kay Rizal ngayon? Dahil kung magagaling silang nagtuturo tungkol sa kanya, mapupunta sila sa usapin ng pagmamahal sa bansa. Kung maging magaling ang mga guro, tiyakna makaka-impluwensya si Rizal sa mga kabataang mag-aaral. Subali’t kapansin-pansinna sa kabila ng patuloy na pagsasama ng mga aklat na Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa kurikulum ng pagaaral hindi pa rin makita ng lubusan ang impluwensya nito sa mga kabataan.
Maraming guro at paaralan sa buong Pilipinas ang maayos na nagpapatupad ng Batas Rizal. Subalit, sa kabila ng napakahabang panahon ng implementasyon nito, nagtagumpay nga ba kaya ang Batas Rizal na maipunla sa bawat isa ang pagmamahal sa ating bayan? Nakikita ba ang pagmamahal at pagmamalasakit ng mga Pilipino sa kanilang bayan? Nagkaroon ba ng nasyonalismo? Ilang mga layunin ang binuo upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng pagkalikha ng Batas Rizal, isa dito ay ang muling pagbuhay sa kahalagahan ng kalayaan at nasyonalismo kung saan ang ating mga bayani ay nag-alay ng kanilang mga buhay para sa kalayaan ng bayan. Sa tulong ng batas na ito, maipa-paalala sa bawat mamamayang Pilipino ang makasaysayang pagdanak ng dugo at pag-aalay ng buhay ng ating mga bayani na maaaring magsilbing inspirasyon sa bawat isa sa pagtulong sa pagpapatayo ng isang bansang matagumpay. Pangalawa, ito ay upang bigyang parangal ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal at ipaalala sa bawat Pilipino ang kanyang mga nagawa, naipaglaban at kontribusyon para makamit ang kalayaan ng ating bayan. Ito ay magsisilbing paalala sa lahat ng ating mga responsibilidad bilang isang Pilipino, lalong-lalo na sa mga kabataan ng makabagong milenyo. Pangatlo, ay upang magsilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino na ayon sa ating pambansang bayani ay siyang pagasa ng bayan.
Kaligiran ng Pag-aaral
Sa pagbabago ng sistema ng edukasyon ang pagpapatuloy na pagtuklas ng mabisang pamamaraan at istratehiya sa pagtuturo ay higit na kailanganang bigyang pansin. Upang makiayon sa modernong panahon, kinakailangan ring maging progresibo ang kagamitang pampagtuturo upang di mawala, manatili at di makalimutan ng mga kabataang itinuturing ni Rizal na pag-asa ng bayan ang mga gintong aral sa kanyang nobela.
Ayon kay Dominguez (2010) ang guro ay tagahubog ng mamamayang bubuo sa isang progresibong bansa at ang maging epektibong guro ay hangad ng bawat isang edukado para sa paglinang ng kakayahan at kaalaman ng mag-aaral. Sinabi rin niya na inilahad ni Barret ang mga kasanayang makakalinang sa pag-iisip ng mga mag-aaral tungo sa kritikal na pag-iisip, pagkaunawa sa konsepto o nilalalman, paglalahat o pagbubuod, pagsusuri, pagkilala ng sanhi at bunga ng lohikong paghihinuha, pagsang-ayon at pagsalungat, pagpapansin sa kaugnayan ng bahagi sa buo o sa bahagi, paglutas ng suliranin, lohikong pagpapahayag at paggamit ng tuntunin sa ibat ibang kalagayan sa buhay.
Sa pag-aaral naman na ginawa ni Caneles (2007) binanggit niya ang pahayag ni Santiago, na nakasalalay sa wasto at maayos na pag-akay at pagpatnubay ng mabuting guro ang mabuting pagkilala ng mag-aaral sa tunay na mensahe ng mga akdang pampanitikan.
Sa ngalan ng batas, ang pagsunod sa mga pariralang “public domain” sa pagbuo, pagbibigay-interpretasyon at pagpoproduksiyong muli ng mga lumang artistikong bagay ay laging ligtas sa anumang katungkulan, tungkulin o responsibilidad ng mga nagbibigay-kabuuan, naglalapat ng ibang interpretasyon at pagganap sa bagong poduksyon ng mga nakaraang likhang-sining mga ilang taon o dekada na ang nakakaraan. Napakaluwag at napakasuwerteng situwasyon ito para sa mga kasalukuyang henerasyon sa pagbuong muli ng nakaraang obra, nakasulat man o hindi.
Nakasaadsa batas na ang anumang dokumentong pinaglipasan na ng panahon, halimbawa’y limampu o higit pang taon, at naisipang kutingtingin muli o bigyan ng makabagong pananaw ay hindi na kailangang humingi ng pahintulot sa pagbabagong-anyo nito kundi man paglalaman ng ibang nilalaman. Tulad ng mga akda ni Dr. Jose P. Rizal na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo,” mga nobelang sinulat ng awtor noong kanyang kapanahunan noong mga 1800s. Kung pagbabatayan ang pagka-public domain nito sa loob ng takdang panahon na nakasaad sa batas, talagang hindi na nga pagmamay-ari ito ni Rizal kundi ng lahat ng tao na sa buong daigdig.
Di maitatatwa ang katotohanan na walang anumang kagamitang panturo ang makapapalit sa isang guro ngunit makatotohanan ding ang mabuting guro ay gumagamit ng kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pagtuturo at pagkatuto.
Ang pagpapaunlad ng kagamitang panturo ay nakatutulong para punuan sa pagtulong ang kalidad ng pagtuturo. Ito ayang paraan ng guro sa loob ng klase na ipaliwanag lalo na sa paghawak at pagsasabi ng kanilang aralin at sa oras na ang mag-aaral ay mahigitan at makuha ang impormasyonng sinabi at natutunan ng hindi direktang nagsabi sa guro lamang. Ang mag-aaral na maiingganyo sa pansariling kagamitan o pag-aaral ng pansarili lamang. Ang paraan ng mabilis na paagkatuto na nakakatulong sa pansariling pag-aaral , interactive modules at ang isang maayos na pangkat na gumgawa ay nakatutulong sa pagkatuto at pagiging tagumpay.
Binanggit ni Conti (2011), ang pahayag ni Guaman et al. (2000) na sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo ay kailangang isa isip ng guro ang ilang simulain na makakatulong sa kanya. Sa pagsisimula pa lamang ng pagtuturo ang pagkawili at pagkagiliw ng mga mag-aaral ay nadarama agad sa mga kagamitan sa pagtuturo na ginagamit ng guro kaya kailangang pagsiakapan ng mga guro ang pagkatuto at pagkalugod sa mga pantulong.
Karagdagan sa iminungkahi ni Waters at Natchison (2002) ang mga sumusunod na katangian ng mabisang kagamitan sa pag-aaral (1) Kagamitan na nagbibbigay ng pagpapalakas sa natutunan Ang magandang kagamitan ay itinuro. Ito ay nakahihikayat na matuto. Ang magandang kagamitan ay nagbibigay ng paraan para magkaroon ng interasadong mensahe, masayang gawain ang kasama ng kapasidad ng pagkatuto , pagkakaroon para sa mga nais matuto na ilabas ang kanilang kaalaman at kakayahan at nilalaman na kung saan ang natututo at ang guro ay magkatugma (2) kagamitan na tumulong para makilala ang paraan ng pagkatuto sa paraang pagbibgay ng landas tungo sa mahirap na gamit na matututuhan. Ang tamang kagamitan ay magbibigay ng malinis at madaling maunawaang basehan na gagabay sa guro at mag-aaral tungo sa ibang gawain na magbibigay ng malaking daan tungo sa pagbabago ng pagkatuto. Sa kabilang banda, ang kagamitan ay hindi dapat masyadong maayos. Ang pundasyon para makabuo ng isang mapurol na basehan ng mga aralin, iwasan ang pagsasama-sama na nagiging parehas ang bawat isa, na parehas ang tipo ng mensahe, parehas na klase ng paglalarawan parehas na klase ng mga gawain.
Ayon kay Goodman sa aklat ni Mabilin (2012), ang pagbasa ay itinuturing na psycholinguistic game sapagkat mula sa pagbabasa ang isip ng tao ay gumagana na nakabubuo ng kaalaman o impormasyonmula sa nabasanyang babasahin. Mula dito nalilinang ang kakayahan sa pagbasa gayundin ang paraan ng pagsulat dahil sa kaalaman na nakuha natin sa pagbabasa.
Binanggit din sa aklat ni Mabilin (2012) si Mcwhorter na nagsabing ang pagbasa ay susi ng tagumpay ng isang tao lalo na sa larangan ng akdemiko.
Sa aklat ni Arrogante (2003) ayon kina Urguhart at Weir na ang kasanayan sa pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at paglalahad ng pakahulugan mula sa impormasyong nakalap mula sa binasang akda o babasahin na nakalimbag sa anyo ng wika.
Ipinahayag ni Eustaqio (2006) sa pag-aaral ni Fandialan na ang pagbasa ay pandayan ng lahat ng kasanayang pagkatuto. Kapag ang mag-aaral ay nabigong matutunan at maunawaan ang batayang kasanayan, kalian man ay hindi mapagtatagumpayan ang matutuhan ang ilang disiplinang kailangang pag-aralan. Kaya para pinagkaitan natin ng pagkakataon na maging kapaki-pakinabang sila sa lipunan kung hindi matuto na bumasa at sumulat.
Ayon kay Faldas (2005) ang kagamitang pampagtuturo ay isa sa mga pangunahing pangangailangan sa larangan ng edukasyon para sa madali, mabilis sa mabisang pagkatuto. Ito ay isang paraan at katugunan sa sama-samang suliranin ng edukasyon kung paano mapataas ang pamantayan ng pagtuturo, paano mapababa ang halaga ng edukasyon at paano malulunasan ang kakulangan ng guro at silid-aralan upang mas makatanggap pa ng maraming bilang ng mga mag-aaral sa paaralan.
see PDF attachment for more information