Return to site

PAGSUBOK KA LANG, PILIPINO AKO 

NESLY A. CUNANAN 

· Volume IV Issue I

Ang Pilipinas kong mahal

Tahanan ng mga Pilipino

Bayan ng matatapang

Ito ang lahi ko.

 

May pusong hindi sumusuko

Sa laban man ng panahon

Tunay na lahing mandirigma

Mula noon hanggang ngayon.

 

Sinakop man ng dayuhan

Hindi nagpaalipin habang buhay

Sa kalamidad at sakuna

Sa Diyos ay nananalig at naniniwala.

 

Patuloy na bumabangon

Lumalaban sa kabila ng pandemya

Kahit padapain ang kabuhayan

Titindig at magkakaisa.

 

Marami mang nawalan ng minamahal

Dahil sa Covid na walang pakundangan

Sama sama natin itong nilabanan

Binalewala ang kalungkutan.

 

Kaya sa dadaan pang mga panahon

Pilipino ay laging tatayo sa hamon

Sa lahat ng lahi ay pagmamalaki ko

Pagsubok Ka Lang, Pilipino Ako.