Return to site

PAGGAMIT NG WIKANG GENERATION ALPHA SA PAGSULAT NG KOMUNIKASYON FILIPINO:

BASEHAN SA PAGGAWA
NG DIKSYUNARYO

NICOLE GRANADA

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation, Inc.

ABSTRAK

Sa mabilis na pagbabago ng wika dulot ng teknolohiya at impluwensiya ng social media, nabuo ang tinatawag na "Wikang Generation Alpha isang makabagong anyo ng komunikasyon na karaniwang ginagamit ng mga kabataang ipinanganak mula 2010 pataas. Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang paraan ng paggamit ng Wikang Generation Alpha sa pagsulat ng komunikasyon sa wikang Filipino, upang makabuo ng isang diksyunaryo na magsisilbing gabay sa pag-unawa sa mga salitang ginagamit ng makabagong henerasyon. Gumamit ang mananaliksik ng kwalitatibong disenyo sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga aktwal na mensahe, post, at pakikipag-usap ng mga kabataan sa social media, gayundin ng panayam sa mga piling mag-aaral. Lumabas sa pag-aaral na malaki ang impluwensiya ng teknolohiya sa anyo ng wika ng kabataan tulad ng paggamit ng pinaikling salita, salitang hiram, emojis, at mga bagong likhang termino. Ipinapakita rin ng resulta na bagamat may pagbabago sa estruktura ng wika, patuloy pa rin ang kahalagahan ng konteksto sa pag-unawa sa mga mensahe. Sa kabuuan, ang pagbuo ng diksyunaryong ito ay makatutulong hindi lamang sa mga guro, magulang, at mananaliksik, kundi maging sa mga kabataang nais mas disenyo sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga aktwal na mensahe, post, at pakikipag-usap ng mga kabataan sa social media, gayundin ng panayam sa mga piling mag-aaral. Lumabas sa pag-aaral na malaki ang impluwensiya ng teknolohiya sa anyo ng wika ng kabataan tulad ng paggamit ng pinaikling salita, salitang hiram, emojis, at mga bagong likhang termino. Ipinapakita rin ng resulta na bagamat may pagbabago sa estruktura ng wika, patuloy pa rin ang kahalagahan ng konteksto sa pag-unawa sa mga mensahe. Sa kabuuan, ang pagbuo ng diksyunaryong ito ay makatutulong hindi lamang sa mga guro, magulang, at mananaliksik, kundi maging sa mga kabataang nais mas mapalalim ang pag-unawa sa kanilang sariling paraan ng komunikasyon.

Ang ang edad na 16 ang may pinaka madaming edad na naging respondente at karaniwan ay mga babae.

Ang respondente ay sumasang-ayon sa paggamit ng wikang milenyal sa pagsulat sa komunikasyong Filipino.

Walang makabuluhang pagkakatulad ang edad at kasarian ang sagot ng respondente batay sa kanilang propayl.

Ang interbensyong ginawa ng kasalukuyang mananaliksik ay modyul sa Filipino.

Mga Susing Salita: generation alpha, wikang Filipino, makabagong wika