Return to site

PAGGAMIT NG CODE-SWITCHING SA LARANGAN

NG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL:

MUNGKAHING SANAYSAY GAWAIN

JASMIN S. ANDULAN

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation, Inc.

ABSTRAK

Sa pag-aaral na ito ay may layuning maipakita ang Paggamit ng Code Switching sa Larangan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa paaralan ng Saint Anne Academy, na nagmula sa Binubusan, Lian, Batangas.

Napatunayan sa pag-aaral na ito na malaki ang naging impluwensiya sa sa mga mag-aaral kung sila ay gagamit ng code switching sa pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita at mapatunayan ang kaugnayan ng paggamit ng code switching sa kanilang pag-aaral ng sa ganon ay kanilang lubos na maunawaan ang mga aralin ng mga mag-aaral mula Senior High School sa paaralan ng Saint Anne Academy. Mayroong limampu (50) na mag-aaral ang naging bahagi o respondente ang ginamit na tagatugon sa pag-aaral na ginamitan ng deskriptibo-kwalitatibo o paraang paglalarawang matematikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (survey questionnaire) at ginamitan ng T-Test. Ang naging resulta ng pag-aaral ay magsisilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral kung ano ang epekto ng code switching sa kanilang pagkatuto kung sila ay gagamit nito.

Susing Salita: Code Swiching, Multiligguwal, Sosyolinggwistika, Sosyo-kultural