Sa mundo ng inhinyero partikular sa electronics, agham ng pagbabago agad na mamasid,
Kita sa mga mata ng may nais makatapos,
Kaba at pagdududa kung kakayanin ang kursong nghamon.
Mula sa Calculus na tila naglalaro ang mga numero,
Pati ang mapagsubok na Differential Equation,
na siyang batayan kung makukuha ng susunod na professional na kurso.
Lito at pagod sa landas na tinatahak, matapos ang ikalawang taon,
handa na ulit sila.
Heto na ang unang kursong Elektronika,
Ano ba't tila lalu nawawalan ng sigla.
Pilit na binabalikan
ang mga pundamental na konsepto sa Pisika and Kimika.
Isama pa, ang Inhinyeriyang Pangkomunikasyon, Pagpoproseso ng Signal,
O ang Sistemang pangkontrol at Mikroproseso.
Maari akala nila bawat pagsusulit ay parusa
Di nila maunawaan, ang pundasyun nung sila ay nasa mataas na baitang
ay napaka-halaga.
Tila ang guro sa kolehiyo ang gagawa ng paraan,
sa mga pagkukulang noong sila'y nasa mataas na paaralan pa.
Sa isip at damdamin, gulo'y sumisila.
Mag-aaral, huwag kayo sumuko
Maari sa ngayon pasan ang bigat ng karunungan.
Pagkahiwalay, damdaming di mabigyang saysay,
Sariling tiwala, unti-unting nawawala’t humihiwalay.
Darating din, kayo ang haharap sa hamon ng ating bayan.
Sa ating kursong Inhinyeriya sa Electonika,
Mapanatili niyo nawa ito at mabigyang buhay.
Sa mga inhinyero guro, kayo'y tanglaw sa mga kabataang akala'y nasa dilim,
Sa atin labi, pagasa mamutawi.
Sa diwa’t ugali, tayo’y naman ang magbigay aliw.
Turuan ang kabataang magpakatatag,
Sa pagharap sa mundo, upang ‘di sila matalag.
Ngunit saan nga ba tayo kukuha ng lakas?
Sa kapwa guro? sa aklat ba ang lunas?
Bigyan nawa pansin, ng ating kapamahalaan
mga pangarap ng mga susunud na inhinyero
Suporta, at praktikal na pangangailangan
maiabot sa mga inhinyero guro
Nawa gabay sa pagtuturo’y di mawawalan.
Kung hindi, baka tayo maubusan
Mga inhinyero guro sa ibang bansa manirahan.
Ang pag-asa’y nabubuhay sa bawat tagubilin,
Sa mga estudyanteng may pangarap na bitin.
Bilang inhinyero guro, akin sasabihin:
"Magpatuloy lamang, ‘wag hayaang matalo,
Sa larangan ng agham, kayo at ang bansa ay aangat din lalo.
Sa mga magaaral, kayo ang anak ng bayan, sa ‘yo nakatuon,
Ang kinabukasan, sa ‘yo nakalambong.
Maging ilaw sa dilim, huwag susuko,
Gamitin ang talino, para sa pagbabago.
Kaya’t mag-aaral, patuloy kang lumaban,
Sa bawat pagsubok, lakas ay iyong tangan.
Narito ang mga inhinyero guro, kaagapay sa landas,
Patnubay at dangal, sa iyo’y ilalapat.