Return to site

MGA BAYANI NG WIKA

ni: KATE LYN M. ARCILLAS

Ang kadakilaan ay ang wagas na pag-ibig sa ating inang bayan.

Sariling wika'y kailanman ay di mawawaglit sa isipan.

Mga pilipinong taas-noong ipinangangalandakan sa lahat,

Ang pinagmulan ng lahi at kayumangging kulay ng balat.

Sa pagsasalita ng Wikang Filipino ay matatas.

Bawat letra'y tagos sa kaluluwa ang pagbigkas.

Isang makabayang lumalaban ng may puso, pantay, at patas.

Sariling Wikang Filipino ang nagsilbing sandata at lakas.

Ipinamana ng ating mga ninuno ay mahigpit na yakapin.

Itatak sa diwa at sa isipa'y papasukin.

Mula sa kaibutaran ng puso, ito'y tanggapin.

Ang ating mayamang kasaysayan, payabungin natin.

Pagmamahal sa ating bayan ay panatilihin nating ipakita.

Maagang ituro ang ating sariling wika sa mga bata.

Huwag hahayaang ito'y mabaon sa limot ng tuluyan,

Maglaho ang ating kultura't tradisyon sa ating lipunan.

Tara't kumilos na tayo at simulan nating gawin.

Lahat tayo ay magkaisa na mayroong iisang adhikain.

Pagtibayin ang ating wika't bansa ng lumalagablab nating layunin.

Ito'y mangyayari kung bawat pilipino'y sasama sa ating hangarin