Return to site

MAY BUKAS PA BANG NAGHIHINTAY?

ni: ARIS P. CARIÑO

· Volume V Issue I

“Kung Malaki na tayo, tayo pa rin kaya ang magkasa?”

“Oo naman. Baka ikaw? Hindi mo na ako kikilalanin pag malaki ka na.”

“Hindi ah, ikaw pa rin ang kasama ko dahil kasama ka nman sa mga pangarap ko.”

“Sige na maglaro na tayo. Ikaw ang tatay at ako naman ang nanay.”

“Di ba dapat nasa bukid ang tatay at nanay na nagtatrabaho?”

“Oo, para sa kanilang mga anak….

Hindi ako makatulog habang ibinabalik-tanaw ko ang aking kabataan. Parehong magsasaka ang pamilya naming noon ni Brix. Kaya lamang kami nagkahiwalay nang mag-aral na siya ng sekondarya. Sampung taon na ang naklaipas. Isa na akong ganap na dalaga at binate na rin siguro si Brix.

Aryana, Maghanda ka na. Dalhin mo pa sa bukid ying mga bilao. Tapos, yong baon ng tatay mo. Siguradong gutom na iyon” utos sa akin ni Inay.

Oho” pagsang-ayon ko, sige na ho, tumuloy na po ako” Paalam ko maya’t maya.

Nang nasa bukid ako ay inabutan ako ng ambon. Sumilong ako sap uno ng kamatsili na madalas naming akyatin ni Brix noon kaya hindi ko maiwasang maala-ala ang nakaraan.

“Bumaba ka na diyan. Naiinip na ako sa kahihintay s aiyo. Umuwi na tayo” sabi ko noon.

“Ayoko pa sabi eh. Di ba ikaw ang nanay at ako ang nanay. Sige na. Pagmamakaawa ko noon pero hindi talaga tuminag si Brix sa sanga ng kamatsili kaya nakaisip ako ng paraan.

“Ano yon! Yon oh!” pagdadrama ko noon.

“Saan?” tanong ni Brix.

“Yon.. parang.. parang … ano eh, … parang sawa!!!!!! Pananakot ko noon at kumaripas ng baba si Brix.

Ganun kami ni Brix noon. Puro lang tawanan, kung minsan naman ay nag-aawayan. Nakakatawa talagang isipin. Hinahanap-hanap ko na ang malulutong naming tawanan.

“Mayaman na siguro sina Brix ngayon. Sana makita ko ulit siya.” Naibulong ko na lang sa aking sarili. Sabay tayo at umuwi na dahil gutom na ako.

Isang araw ng Sabado at may gaganaping seminar sa aming baryo. Tinatamad akong bumangon. Mga magsasaka raw ang magseseminar.

Lampitok, gisingin mo na yang anak mo at nang hindi kami mahuli sa seminar. Narinig kong utos ni nanay kay itay.

“Sandal inga Juana, sino bang panauhin sa seminar na yon? Narinig ko ring usisa ni itay.

“Si Brix daw. Yong kababata ni Aryana. Yong anak ni kumareng Inday. Ang batang yon, isa na palang Agricultural Engineer”, pagbabalita ni Inay at dali-dali akong nagbihis nang marinig ko ang pangala ni Brix. Puno ng kasabikang sumama ako kay nanay.

Narating naming ang pagagaganapan ng seminar. Bumaba ako kaagad sad yip. Nang matapos ang seminar ay ……

Aryana, maiwan ka munsa sandal. Kakausapin ko lang si Kumareng Inday” pagpapaalam ni Inay.

“Oho”, sagot ko naman.

Matagal na oras akong naghintay. Dahil sa labis na pagkainip ay sinundan ko ang Inay. Naratnan kong kinakausap ang kumara niya.

“Ito na ba si Aryana? Santa Mari Barbara. Diyos ko, hindi kapanipaniwala. Isa ka na palang napakaganang dalaga, iha” Laking gulat nito sabay puri sa akin.

Marami pang sinabi ang kumara ni Inay subalit hindi ang mga iyon ang humuli sa aking atensiyon kundi ang kasama niyang binate na kanina pa walang imik.

Nakita ko ang mga matang lagging nasisilayan ng aking mga mata noon. Ang mukhang lagi kong kinukurot, at ang mga kamay na laging nakaakbay sa akin noon.

“Brix! Ikaw na bay an?” ang tangi kong nasambit.

Ha, ah, eh! Ako nga. Bakit? Ang sagot sa akin ni Brix na hindi man lang kinakitaan ng munting kagalakan man lang.

“Hindi ka ba nagagalak at nagkita tayo ulit. Sampung taon, Brix. Ako ito si Aryana, ang kababata mo.” Pagpapakilala ko kay Brix.

“Inay, halika na umuwi na tayo marami pa akong gagawin” yaya nito sa ina sabay lakad patungo sa kanilang sasakyan.

“Brix… Brix… Ako ito si Aryana. Hindi ba’t nangako ka pa sa akin noon na isasama mo ako sa mga pangarap mo? Hindi ba’t……… hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil nakaalis na ang sasakyan nila.

Umuwi akong lugung-lugo. Para akong binagsakan ng napakabigat na bato. Ang sakit para sa akin. Hindi ko na halos makita ang nilalakaran ko dahil sa mga luhang nag-uunahang pumatak sa aking mga mata.

“MAY BUKAS PA KAYA PARA SA AKIN?” ang naitanong ko na lang sa aking sarili.