Return to site

LABAN!!!

MA. THERESA C. RAMOS

· Volume II Issue III

Kaiba ang set up ng community namin. Sabi ng iba, kapag sa squatter ka nakatira, asal squatter ka na. Bakit may masama ba? Eh dito kami nakatira. Ang importante may bahay kami na tinitirhan at may pagkain na kinakain. Ok na yun. Anong pakialam ninyo? Eh di sa squatter ka din tumira. Inggit ka lang.

Tuwing umaga, iba talaga, may nagsisisigawan, may nagmumurahan, may nag-iinuman, may nagsusugal, may nag-aaway. Yan ang almusal, tanghalian, at hapunan namin. Natural na yan na eksena sanay na kami. Wala nang pinagbago.

Di buo ang araw mo pag di mo nakita ito. Malakas na radio, malakas na tv, at lahat ng malakas. Sabi nga nila, asal kalye daw kami. Sanay sa away at gulo.

Siguro tatak na namin iyon. Pero di naman kami ganun. Di lahat ng nakatira sa squatter, patapon ang buhay. Siguro ung iba ganun. Pero kami di kami ganun. Si Nanay at Tatay may trabaho. Sidecar boy si Tatay at si Nanay ay tindera sa palengke. Buti na lang dalawa lang kami ng kapatid ko. Nag-aaral kami sa public school.

Iba talaga ang mga kaklase ko may mayaman, may katamtaman at yung karamihan tulad namin na mahirap lang tulad ng mga kapit bahay namin. Pag naiinis si Mam sa akin, sabi ba naman, asal kalye daw ako. Si Mam talaga, napaka judgemental. Nakatira lang sa squatter asal kalye na. Di niya kasi alam kung ano yung IN. Mam flip tap tayo o hugot lines tayo, para masaya. Sabi ni Mam, huwag, maingay yan. Si Mam talaga oldies. O, maupo ng maayos. Eh Mam gusto ko nakaupo sa sahig. Sabi pa niya, itaas ang kamay si Mam talaga, ung gusto siya masusunod. Sige na nga, hayaan ko na nga si Mam, alam naman niya ginagawa niya. Sundin ko na nga. Nang di magsermon ng wagas at makauwi kami agad.

Pag lumalabas ako sa school, yan na ang mga tambay. Huy, Matt, lika, labas tayo. DOTA muna tayo, maaga pa naman. Ay naku! mga tukso, layuan ninyo ako. Gutom na kaya ako. Kayo na lang muna. Uwi na ako. Kakain muna ako. Mamaya na lang pag may time sunod ako sa inyo. Sige kaw bahala. Ikaw may gusto niyan. Sige na bukas na lang.

Pagdating ko sa bahay, nandun na si nanay. O Matt, kain ka na. Ok Mama. Ano ba meryenda natin? Ito turon at tubig. OK gutom na talaga ako. Anak, alis muna ako, aayusin ko lang ung tinda natin sa palengke. Sige Mama, ako na bahala. Intayin mo ang mga Ate mo ha. Ok po Mama. Ingats po.

Pag dumating na sina ate. Ay naku, walang ginawa kundi magbasa ng Wattpad. Ano ba yan Ate? Sus wag ka nga maingay. Magagalit si Mama gabi na ayaw mo pa tumigil, matulog na kayo. Inggit ka lang e di magbasa ka din. Ayoko nga manood na lang ako ng NARUTO. Yan si NARUTO. Papalitan ko na pangalan mo, gagawin ko nang NARUTO. Ang mga Ate kong pakialamera, bahala nga kayo. Basta manonood ako dito. Ate, pa download naman ng laro, Ay naku, bahala ka sa buhay mo. Sinira mo tablet mo tapos ngayon mag download ka sa amin. Mama, sina Ate, kakaasar talaga. Sige na kasi ipa download ninyo na kasi. OK FINE. Yan ang paboritong line ng mga ate ko.

Paborito, weeee. Hindi nga...Paboritong pagalitan. Si Mama, parang machine gun ang bibig pag nagsermon, paulit ulit. Matutulog na lang ako magsesermon pa. Pag nainis ako sasagutin ko talaga. Kaso wag na nga, mapapagod din yan. Pasok sa kanan, labas sa kaliwa ng tainga.

Minsan nakita ko nagtatalo sila ni Papa. Dahil sa pera, magtrabaho na nga si Ate. Kaso on call lang cya. Ano un may pasok, tapos wala. Ano yun?

Sa katagalan, nakapagtrabaho din sina Ate, kaso nagsipag asawa agad. Kaya kami na lang nina Mama at Papa.

Pag may okasyon, nakikisama pa rin sina Mama sa mga kapitbahay namin. Di naman kami nagkaroon ng mabigat na problema. Lahat nakayanan naming magkakasama. Kahit sa squatter kami nakatira, di naman kami naging pasaway.

Nakasalubong ko minsan si Mam. Natuwa naman siya. Kasi may trabaho na ako. O Mam, nakatapos po ako. Highschool nga lang. Di na kaya nina Mama at Papa e. Ok lang yun sabi ni Mam. May trabaho na ako Mam. Security Guard Mam. Pero gusto ko po mag-aral ulit. Sige push mo lang yan Matt.

Sa kabutihang palad, nakapag-aral ako ng dalawang taon sa College. Buti na lang na sponsoran ako ni Mayor. Ngayon nasa isa na akong kompanya. Maliit man ang sahod pero hindi na nagtratrabaho sina Mama at Papa. Retired na sila. Kami na lang magkakapatid ang tumutulong sa kanila. Pag may sakit sila, kami nang magkakapatid ang bahala. Nakapag patayo na kami ng maliit na bahay sa probinsiya.

Buti na lang hindi kami bumigay sa buhay. Salamat kina Mama at Papa. Kina Ate na madalas ko mang kaaway. Pero kakampi ko pa rin sa lahat ng naging laban ko. Sa mga kapitbahay namin na matatapang, tagapagtanggol ko naman. Buti na lang di ako brusko. Ke Mam na kahit noong una, puro saway pero later on taga push ko…kaya mo yan…Bilib na bilib sa akin si Mam. Sa mga classmate ko na binubully ako.. Hehe. Wagi ako.. Nagbago ang buhay ko.. Di man kami yumaman ng bongga. Pero yung love NEVER na nawala. Dun thankful ako ke GOD. Buti na lang LOVE kami ni God. Di kami pinabayaan. Sabi nga…LABAN LANG NG LABAN.