Return to site

ISTRATEHIYANG MGA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG DIKSYUNARYONG PILIPINO AT ANG EPEKTO
NITO SA BOKUBOLARYO

RALFH RUZZEL P. CUADRO

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay layong maipakita ang Istratehiya ng mga mag-aaral sa paggamit ng diksyunaryong Pilipino at epekto nito sa bokubolaryo sa mga mag-aaral ng Senior High School ng Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.

Napatunayan na malaki ang naging dulot ng teknolohiya sa larangan ng paggamit ng diksyunaryong Pilipino sa mga mag-aaral lalo na at higit sa Senior High School sapagkat hindi nahasa ang kanilang kakayahan sa paggamit ng librong diksyunaryo o sinaunang uri ng diksyunaryo na nagdulot ng kahirapan sa pagkilala ng salita at pang-unawa sa kahulugan ng mga pinag-aaralan at binabasa. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita na may makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng diksyunaryo upang lubos na lumago ang kaalamang bokubolaryo ng mag-aaral ng Senior High School ng Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc. Mayroong Apatnapu at walo (48) na mag-aaral na respondenrte ang ginamit na tagatugon sa pag-aaral na ginamitan ng deskriptibo-kwalitatibo o paraang paglalarawang matematikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (survey questionnaire) at ginamitan ng pagsusuring T-test. Natuklasan sa pag-aaral na sa paggamit at tamang istratehiya ng mga mag-aaral sa diksyunaryo ay mauunawaan ang tamang kahulugan ng isang salita. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng diksynaryo sa pag-aaral upang malinang ang bokubolaryo.

Mga Susing Salita: Istratehiya, Diksyunaryo, Filipino, Bokubolaryo