Return to site

INTERBENSYONG PROGRAMANG PANGKLASE SA PAGBASA: TUGON SA PAGPAPATAAS NG PROSESO NG PAGKATUTO

NG MGA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL

KRISTINE ELOISE T. JOSE

Tala Senior High School

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga suliranin at estratehiya ng guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Kaakibat din ng pag-aaral na ito na makabuo ng isang interbensyong programang pangklase na magagamit sa pagproseso ng pagpapataas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa larangan ng makrong kasanayang pagbasa.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa mula sa Unang Distrito ng Sangay ng Batangas na kinapapalooban ng mga guro sa Senior High School para sa taong panuruan 2024-2025. Ang pag-aaral na ito ay isang kuwantitatibong pananaliksik na gumamit ng Deskriptibong Pagsusuri bilang disenyo ng pag-aaral. Talatanungan ang pangunahing instrumento na ipinamamahagi sa mga respondente upang makapangalap ng datos.

Sa limampu (50) na tumugon sa talatanungan, ang mga respondenteng guro na ay karamihan nabibilang sa paaralan ng Tuy Senior High School. Gayundin, marami sa mga guro ang nabibilang sa 21-30 taong gulang. Pagdating sa kasarian ay mas marami ang bilang ng mga babae kaysa sa lalaki. Nabanggit din na may pinakamalaking bilang ng guro ang nakatapos ng BSED Filipino at karamihan sa mga gurong respondente ay 3-4 na taon nang nagtuturo. Ang mga guro rin karamihan ay dumalo sa 1-2 na palihan.

Lumabas din sa pag-aaral, ang antas ng pagkilala sa pahayag at antas ng pag-unawa sa pahayag ng mga mag-aaral ay nasa lebel palamang ng tinatawag na “Beginning.” Kaya naman nangangahulugan lamang ito na malaki ang pangangailangan ng mga mag-aaral upang pagyabungin ang kanilang lebel ng vi 6 kakayahan sa pagkilala at pag-unawa ng mga pahayag pagdating sa mga babasahing Filipino.

Batay din sa kinalabasan ng pag-aaral, karamihan sa mga gurong respondente ay kumakaharap sa suliraning atensyon o pokus ng mga mag-aaral. Kaya naman higit na nangangailangan na masolusyunan ang mga suliraning ito upang matamo ng mga mag-aaral ang mataas na pagkatuto sa larangan ng pagbasa.

Mula sa naging resulta ng pag-aaral, ang mga estratehiyang ginagamit ng guro tulad ng Peer Teaching, Super Six Comprehension, Oral Repeated Reading at Audio-Assisted Repeated Reading, at Metakognitibong Pagbasa ay hindi pa sapat o hindi pa ganoong kaepektibo sa pagkakaroon ng mataas na pag-unawa pagdating sa pagbasa ng mga mag-aaral. Kaya naman, nangangailangan pa ng mas mahusay at epektibong estratehiya na magagamit ng guro sa proseso ng kanilang pagtuturo at pagpapatuto.

Makikita sa naging resulata ng pananaliksik, walang makabuluhang kaugnayan ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa ng mga babasahin sa Filipino sa kaparaanang ginamit ng guro sa pagpapataas ng proseso ng pagkatuto sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Gayundin, mula sa resulta ng pagsusuri ay walang makabuluhang kaugnayan ng mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagpapataas ng proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga estratehiya sa pagbasa na ginagamit ng guro sa pagpapataas ng proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Nangangahulugan lamang ito na malaki ang maitutulong ng interbensyong programang pangklase sa pagpapaunlad ng proseso ng pagkatuto ng mga mag aaral. Magiging daan ito upang mahubog at higit na mapagyabong ang kanilang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga teksto sa babasahing Filipino.

Susing salita: pananaliksik, suliranin, interbensyong programa, makrong kasanayang pagbasa