Return to site

HERBULARYO SA KULTURANG SORSOGANON AT PANITIKAN

ROLLY NEO LLANETA

· Volume I Issue IV

ABSTRAK

Natiyak sa pag-aaral na ito na malaman ang mga pamamaraan ng herbularyo sa panggagamot sa kulturang Sorsoganon at sa panitikan. 1. Malaman ang iba’t ibang pamamaraang isinasagawa ng mga herbularyo sa panggagamot 2. At kung paano isinasagawa ang panggagamot. 2. Matukoy ang impak sa rural at urban na barangay. 4. Malaman ang sa kulturang Sorsoganon at panitikan. 5. Makapagmungkahi ng gawain batay sa resulta ng pag-aaral. Deskriptib analisis ang disenyo ng pag-aaral na ginamit ng mananaliksik, ang mga nalikom na datos ay inanalisa, sinuri at binigyan ng interpretasyon sa estatistika tulad ng frequency count at pagraranggo. Ang naging kalahok ay ang mga herbularyo at mga nakaranas ng panggagamot. Mga natuklasan: 1.May iba’t ibang pamamaraan ng herbularyo sa panggagamot. 2. May mga paraang na isinasagawa ng gamit ang halamang-gamot. 3. May impak sa mga taong nakatira sa rural at urban na barangay 5. May ambag sa kultura at panitikan. 5 .Nakabuo ng isang aklat tungkol sa panggamot gamit ang halamang-gamot. Kongklusyon ay: 1.Ang mga herbularyo ng bawat bayan ay may iba’t ibang pamamaraan ng pagsasagawa ng panggagamot. 2. May iba’t ibang kaparaanan sa panggagamot. 3. Magkaiba ang impak ng panggagamot sa rural at urban na barangay. 4. Magkaiba ang ambag ng mga bayan sa panggagamot ng herbularyo sa kultura at panitikang Sorsoganon 5.Ang awtput na nagawa ay isang aklat. Rekomendasyon: 1.Hikayatin ang mga mag-aaral at komunidad na magbasa. 2. Tangkilikin ang mga panitikan na magpapayaman at lilinang sa kultura. 3. Ang lokal na pamahalaan ay maglaan ng programa na pupukaw sa interes sa kultura.

Susing-salita: Herbularyo, Kulturang Sorsoganon, Panitikan

INTRODUKSYON

Ang tradisyunal na panggagamot bilang bahagi ng ating kultura ay kaalinsabay na ng pag-usbong ng sibilisasyon. Ito ay bahagi ng kasaysayan na may layuning, hindi lang makapagpaginhawa sa karamdaman ng isang tao, bagkus ito rin ang kasangkapan sa pagpasalin-salin ng tradisyon at kultura ng isang bansa. Ang kultura ay gintong pamana sa atin ng ating mga ninuno na kailangang panatilihin at pagyamanin. Ito rin ang nagdudugtong ng pamumuhay ng mga tao mula sa nakaraan patungo sa kasalukuyan at nagsisilbing pagkakakilanlan ng ating lahi. Ang tradisyunal na panggagamot at kultura ay may kaugnayan sa isa’t isa sapagkat lumipas man ang panahon ito ay hindi maitatatwa ng isang lahing naging kasangkapan upang mas mapaunlad at malinang upang magamit pa ng mga susunod na salinlahi ng tao.

Sa tradisyunal na panggagamot na naisatitik sa panitikan hindi lang kagalingan ng karamdaman ang maaaring adbentahe nito sa isang lipunan kundi nagiging motibasyon rin ito sa mga nandarayuhan na bisitahin at maitampok ang paraan ng tradisyunal na panggagamot na kinapapalooban ng hiwaga at misteryo na maaring pumukaw sa kamalayan ng mga dayuhan. Sa paraang makilala at mapayaman ng mga tao lalong- lalo na ang mga kabataan ang sariling panitikan mas pahahalagahan pa nila ito at mamahalin bitbit ang kabatirang ito ay bahagi ng kanilang pagkatao kaya marapat lamang na tangkilikin at paunlarin.

Ang herbalismo ay isang pag-aaral tungkol sa mga halaman na gagamitin bilang panggamot o kaya naman ay pagkaing makakatulong upang maging malusog. Unang ginamit ang mga halamang gamot ng mga tao sa Panahong Paleolithic 60,000 taon na ang nakararaan. (www.wikipidea.org (2018). Noon pa man bago dumating ang mga mananakop ay may sarili ng pamamaraan ng panggagamot ang mga Pilipino partikular na ang mga Bikolano. Ngunit dahil sa gustong iwaksi ng mga dayuhan sa isipan natin ang mag makalumang tradisyon itinatak sa isip natin na ang mga tradisyunal na panggagamot ay gawi ng mga samahang naniniwala sa itim na kapangyarihan o mahika. Ang mga Babaylan (mga tradisyunal na manggagamot) ay nagpatuloy sa panggagamot at napangalagaan nila ang tradisyong ito hanggang sa kasalukuyan(www.scribd.com (2012).

Sa website na www.bandera.inquirer.net (2012) kasama ng herbalismo ang santigwar o pagtatawas sa katagalugan at iba pang uri ay bahagi ng “faith healing”.Ayon naman sa www.philippineculturaleducation.com (2015) ang iba’t ibang uri ng “faith healer” ay ang mga sumusunod: Una ay ang mga albularyo na gumagamit ng mga halamang gamot at ritwal sa pinaniniwalaang nagkasakit dulot ng mga nilalang tulad ng duwende,nuno sa punso,lamang lupa,tikbalang at kapre. Pangalawa ayon sa website na www.worldslastchance.com ang mga espiritista na miyembro ng sekta na nagmula sa Europa at gumagamit ng “séances” para makipag-usap sa mga patay o sa iba pang ispiritu. Pangatlo ay ang mangtatawas na kilala sa bikol bilang “parasantigwar” na gumagamit ng ritwal at mga bagay tulad ng kandila,itlog, salamin ,plain paper,balat ng sigarilyo at alum o crystalline double sulphate ng aluminum at potassium na kilala sa tawag na tawas.

Pinatutunayan lamang nito na may naiambag rin ang tradisyunal na panggagamot sa kultura upang matugunan hindi lamang ang paggaling ng isang maysakit kundi pati na rin ang mas mapatingkad pa ang kultura ng isang bayan. Ang tradisyunal na panggagamot bilang bahagi ng kultura ay nalimbag na rin at naging lunsarang panitikan sa mga pag-aaral. Sa katunayan dito sa rehiyong bikol pa lang masasabi nang bahagi ito ng kayamanang pinagmamalaki ng isang bansa, sapagkat ayon kay Ramos (2014) ang Rehiyong Bikol ay lubhang mayaman sa iba’t ibang uri ng akdang lokal, nababasa ang mga ito sa anyong dula, rawit-dawit mga awiting bikol at iba pang anyo ng panitikan.

Nang maipatupad ang CHED Memorandum Blg.59, s.1996 na may layuning maituro ang panitikan ayon sa rehiyong kinabibilangan mas nahimok pa na manulat ang mga manunulat na bikolano bilang bunga ng kanilang pagtanggap sa hamong ito. Ang Sorsogon ay binubuo ng 14 bayan sa lalawigan dagdag pa rito ang lungsod ng Sorsogon. Ang mga tao sa lugar na ito hanggang sa kasalukuyan ay naniniwala pa rin sa tradisyunal na panggagamot ng mga herbularyo lalong-lalo na doon sa mga malalayong lugar na walang doktor at hindi nakararating ang serbisyo ng pamahalaan sa larangan ng kalusugan.

Mismong ang “World Health Organization” (WHO) ay naglimbag ng pamantayan sa paggamit ng mga herbal na gamot na pinamagatang “Quality Control Methods for Medicinal Plant Materials” noong 1998. Sinuportahan din ito ng ating dating Pangulong Fidel V. Ramos nang pirmahan noong 1997 ang batas na nagpapahalaga sa tradisyunal na gamot at ang iba pang programa nito ang “Republic Act 8423: The Traditional and Alternative Medicine Act (TAMA) of 1997.Binuo ng batas na ito ang “Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) na naglalayong mas mapaunlad pa ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan ng mga Filipino sa tinatawag na “National Health Care Delivery System”. Ayon sa pag-aaral nina Firenzouli et.al(2007) na pinamagatang “Herbal Medicine Today:Clinical ang Research Issues”mula sa ang mga herbal na gamot ay gumagamit ng mga halamang gamot upang makaiwas at makalunas sa mga karamdaman na mula sa mga tradisyunal at kilalang mga halaman ng isang bayan na kinuha mula sa mga katas nito(www.hindawi.com(2007).Ang pagkakatulad nito sa pag-aaral na ito ay pareho silang nangungusap sa herbalismo ang pagkakaiba naman ay mas maunlad ang isinagawang pag-aaral tungkol sa mga pamamaraan ng panggagamot ng herbularyo. Ayon sa pinaghanguang website na https.llenwikipedia.org ang herbalismo ay isang uri ng pag-aral sa mga halaman na may layuning makagamot o kaya naman ay manaliksik sa mga pagkaing makatutulong sa kalusugan. Ang literature na ito ay mahalaga sapagkat inilalahad dito ang kahulugan ng herbalismo upang bigyang linaw ang konsepto nito sa mambabasa.

Ayon naman sa www.hawaii.edu.com mahalaga ang paggamit ng mga halamang gamot noon pa man dahil sa kawalan ng ospital at mga doctor. Ang literature na ito ay mahalaga sapagkat pinatutnayan nito sa kasaysayan na mahalaga ang mga halamang gamot sa tao noon pa mang unang panahon.

Ayon sa www.theasianparent.com kailangan ang mga halamang gamot dahil ayon sa may akda ay nakatutulong ito upang guminhawa ang pakiramdam ng isang may sakit lalo na at hindi naman puwedeng tuloy-tuloy ang pag-inom ng medisina.

Isa sa mga patunay ng kagalingan ng pagtatapal ng dahon ay nagmula sa website na www.kalusuganph.halamang-gamot na ang dahon ng ikmo ay maaring itapal sa dibdib sa mga taong may hirap sa paghinga o may pananakit ng dibdib. Kung ikukumpara sa pag-inom ng gamot na mayroong “side effets” mas mainam na ang pagtapal ng dahon na hindi mo kailangang isilid sa loob ng ginhawa mo ang gamot.

Pinatutunayan na ang pag-inom sa pinaglagaaan ng halamang gamot ay mabisa. (www.hawaii.edu/Filipino). Gaya na lamang ng dahon ng bayabas kapag ininom ang pinaglagaan ay mainam sa mga nagtatae o may diarrhea.Ito ay mainam at hindi sensitibo sa mga bata,matanda,may allergy at mga buntis sapgkat organiko ang mga halamang gamot.

Isa sa mga patunay na mabisa ang pagpapahid ng langis ay makikita mula sa website na www.kalusuganph.halamang-gamot. Isa sa mga halimbawa ay ang dahon ng ikmo na pinahiran ng langis na isang mabisang panggamot sa mga masakit ang tiyan.

Ayon sa pag-aaral ni C.V. Little (2009) na pinamagatang “Simply Because It Works Better:Exploring Motives for the Use of Medicial Herbalism in Contemporary U.K. Health Care mula sa marami pa rin sa kalahok sa pag-aaral ang patuloy na tumatangkilik ng halamang gamot para sa pang-araw-araw na pagtugon ng mga suliranin sa kalusugan.Ang pagkakatulad nito sa pag-aaral ay parehong tumatalakay sa pagtangkilik sa halamang-gamot at ang pagkakaiba ay mas tinalakay sa pag-aaral ang tungkol sa pamamaraan ng panggagamot ng herbularyo.

Ayon sa pag-aaral na pinamagatang “Albularyo ng Pagbilao:Pag-aaral sa mga Tradisyunal na Panggagamot sa Pagbilao,Quezon” mapalad ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng iba’tibang uri ng halamang gamot na praktikal gamitin sapagkat ito ay matipid at matatagpuan lamang sa paligid.Ang pagkakatulad nito sa pag-aaral na ito pareho itong patungkol sa tradisyunal na panggagamot at ang pagkakaiba naman ay ang pag-aaral na ito ay tumatalakay nang pangkalahatan sa tradisyunal na panggagamot samantalang ang pag-aaral ng mananaliksik ay sa paraan ng panggagamot ng herbularyo.(www.academia.edu(2017)

Ayon naman sa pag-aaral ni Paderan (2016) mula sa website na may limang uri ng “folk healing” siyang inihayag sa Bato,Camarines Sur at isa na rito ay ang “Santigwar”. Kasama rin sa mga uri ang “Ukag”, “Sibang”, “Pagmundag” at “Pray-Over” na ginagamit sa pagpagaling ng sakit,sakuna at pangkukulam.Ang pagkakatulad ng pag-aaral na ito sa kasalukuyang pag-aaral ay parehong tumatalakay sa mga tradisyunal na panggagamot at ang pagkakaiba naman ay sa mga uri lang ng folk healing ang pokus ng pag-aaral naito samnatalang ang kasalukuyang pag-aaral ay tumatalakay sa mga pamamaraan ng herbularyo sa panggagamot.

Sa pag-aaral ni Yu (2006), ang mga nalikom na alamat, dula, tula at sarsuela ng Bikol ay masusing isinalin niya sa Filipino upang magamit sa mga paaralan bilang karagdagang lunsaran sa pagtuturo.Mula naman sa pag-aaral ni Clariza (2005) ang mga karunungang bayan ng Rinconada gaya ng alamat, bugtong, dalit at tigsik ay nilikom at sinuri. Bilang karagdagang kagamitan sa pagtuturo sa ikaanim na baitang gumawa siya ng modyul upang linangin ang iba’t ibang kasanayan sa pagbasa. Ayon sa pag-aaral ni Arcilla (2006), ang mga karunungang-bayan ng rehiyong Bikol ay nalikom. Bilang kagamitang pampagtuturo ng panitikan at sa paglinang ng makataong kahalagahan ito ay pinangkat niya sa apat na unit.

Layunin kung gayon ng pag-aaral na ito na mailahad sa publiko ang iba’t ibang pamamaraan ng tradisyunal na panggagamot ng mga herbularyo bilang isang uri ng panggagamot na bahagi na ng kultura at panitikang Sorsoganon na maaring gamitin na lunsaran sa pagtuturo upang magdulot ng kamalayan at pagpapahalaga ang mga tao at mag-aaral sa sariling kultura.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang iba’t ibang uri ng panggagamot ng herbularyo bilang bahagi ng kulturang Sorsoganon at panitikan.

1. Malaman ang iba’t ibang pamamaraang isinasagawa ng mga herbularyo sa panggagamot.

2. Malaman kung paano isinasagawa ng mga herbularyo ang panggagamot.

3. Malaman ang impak ng panggagamot ng herbularyo sa mga taong nakatira sa rural at urban na barangay.

4. Malaman ang mga naging ambag ng panggagamot ng herbularyo sa kulturang Sorsoganon at panitikan.

5. Malaman ang maipapanukala at maimungkahi batay sa resulta ng pag-aaral.

METODOLOHIYA

Deskriptib analisis ang disenyo ng pag-aaral na ginamit ng mananaliksik sa paglikom ng mga datos na kinailangan sa pag-aaral na ito. Upang malaman ang kahalagahan at kontribusyon ng herbularyo sa kulturang Sorsoganon at ang impak nito sa mga urban at rural na baranggay ng Sorsogon sa kabila ng mga makabagong pamamaraan ng panggagamot. Ang mga kalahok ay ang mga herbularyo at mga nakaranas ng pangagamot. Binubuo ng 480 na kalahok na nagmula sa iba’t ibang baranggay ng bayan at lungsod ng Sorsogon. Tseklist ang ginamit bilang instrumento sa pagkuha ng datos na kakailanganin at pakikipanayam. Ang mga nalikom na datos ay inanalisa, sinuri at binigyan ng interpretasyon sa tulong ng nararapat na estatistika tulad ng frequency count at pagraranggo.

MGA NATUKLASAN

(please see attachment)

KONGKLUSYON

Batay sa natuklasan,nabuo ang sumusunod na kongklusyon:
1. Ang mga herbularyo ng bawat bayan o grupo ng mga bayan ay may iba’t ibang pamamaraan ng pagsasagawa ng panggagamot gamit ang mga halamang gamot sa sa pasyente.
2. May iba’t ibang kaparaanan kung paano isinasagawa ang panggagamot ng herbularyo gamit ang halamang-dahon.
3. Magkakaiba rin ang impak ng panggagamot ng herbularyo sa mga taong naktira sa rural o urban na barangay.
4. Magkakaiba rin ang mga naitalang ambag ng mga bayan sa panggagamot ng herbularyo sa kultura at panitikang Sorsoganon.
5. Ang nabuong aklat na may pamagat na “Herbularyo: Mga Uri ng Halamang Gamot at Paraan ng Panggagamot” ay maaring maging gabay ng mga mamamayan sa kanilang pang-araw-araw na pagharap sa mga suliraning may kinalaman sa kanilang kalusugan.

REKOMENDASYON

Batay sa resulta ng pag-aaral na ito nabuo ang mga sumusunod na rekomendasyon:
1. Hikayatin ang mga mag-aaral at mga tao sa komunidad na magbasa tungkol sa sariling kultura sa pamamagitan ng mga panitikang nasusulat tungkol dito upang maikintil ito sa kanilang kamalayan nang hindi ito mamatay bagkus ay patuloy na payabungin at linangin.
2. Gamitin ang mga panitikang may temang kultural bilang lunsaran sa pagtuturo upang matapos mag-iwan ng kabatiran sa isipan ng mga kabataan ay mapahalagahan nila ito.
3. Ang local na pamahalaan ay mahikayat na maglaan ng programa at mga patimpalak na pupukaw sa interes ng mga mamayan na pahalagahan ang sariling kultura.
4. Pukawin ang damdaming kultural sa pamamagitan ng pagbabasa sa akda na naisulat mula sa pag-aaral na ito.
5. Magsagawa ng pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik nang sa gayon ay mapalalim pa ang pagtuklas sa mga kaalamang makatutulong upang mas mapahalagahan ang sariling kultura.

PAGKILALA

Ang pag-aaral na ito ay hindi magkakaroon ng katuparan kung hindi dahil sa tulong at suporta ng mga taong naniniwala sa layunin ng mananaliksik,kung kaya’t taus pusong nagpapasalamat ang mananaliksik sa mga sumusunod:
Sa paaralang Gradwado, Sorsogon State College sa pagbibigay sa mananaliksik na makapag-aral sa institusyong ito.
Dr. Helen R. Lara, Pangulo, Sorsogon State College sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa paaralang Gradwado.
Dr. Gerry A. Carretero, Dekano,Paaralang Gradwado,Sorosgon State College,sa pagsuporta sa paghikayat sa mga mag-aaral na magpatuloy sa pagsasagawa ng pananaliksik.
Dr.Sharon D. Mariano, Tagapayo, sa kanyang pagiging matiyaga,maalalahanin,at walang sawang pagpapaalala, gabay at tulong sa mananaliksik.
Dr.Felisa D. Marbella, Prof.Milagros Meneses,Dr.Edna L. Hapin,mga panel,Sorsogon State College,nang pagbibigay ng panahon at mungkahi para sa ikauunlad ng pag-aaral na ito.
Sa lahat ng mga tao sa lalawigan at lungsod ng Sorsogon na tumulong upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.
Sa aking mga minamahal na magulang Raul F. Llaneta at Lilia N. Llaneta,maybahay na si Maricel at anak na si Railey Axel.
At higit sa Ina ng Walang Hanggang Saklolo at sa Poong Maykapal na walang sawang gumabay at tumulong anuman ang mga balakid at pagsubok sa pag-aaral na ito.
Maraming salamat po sa inyong lahat!