Sa wikang mahal, tayo’y nagbubuklod,
Puso’t isipan ay hindi malunod.
Sa bawat titik, may tapang at dangal,
Haligi ng bayan sa wikang marangal.
Mga gurong may kapansanang di iniinda,
Tuloy ang aral, lakas ang tanda.
Sa silid-arala’y sila’y inspirasyon,
Kahit nahihirapan, sila may dedikasyon.
Kahit sila’y hirap sa sariling buhay,
Ang pagtuturo'y ginagawang tunay.
Bagyong dinaranas ay ‘di alintana,
Basta’t matuto ang batang sagana.
Bilang haligi ng sariling tahanan,
Sa gastusin sila’y laging inaasahan.
Mga guro na’t breadwinner sa sariling paraan,
Laging inuuna ang bayanihan at kapakanan.
Kung minsan ay sila’y nangungutang pa,
Para ang mga anak ay may makain pa.
Hindi iniisip ang sarili para lumigaya,
Ang mahalga ang iba’y may ngiti’t saya.
Gumagawa ng makabagong pananaliksik,
Upang matuto ang mga bata matalinot’t siksik.
Inobasyon nila’y makabuluhan sa bawat bata,
Para makabuo ng mga mag-aaral na makata.
Sa Wikang Filipino’y ginagabayan,
Mga kabataan ay sama-sama na pag-asa ng bayan.
Bayanihan dito’y tunay na buhay,
Sa tulong ng mga gurong may pusong dalisay.
Kaya’t ating bigyang dangal at mithi,
Ang mga gurong bayani ng ating lahi.
Sa wika at gawa, sila’y may pagkakaisa,
Tungo sa kapit-bisig at pagkakaisang makamasa.