Sa puso ng bundok, may gurong mapagmahal,
Naglalakad mag-isa, sa ulan o matirik na daan.
Bitbit ang kaalamang sa pusoy tunay,
Handog sa batang Yakan, nang sila’y tumibay.
Mga batang Yakan, Sa aral sila'y sabik,
Kahit walang baon, pag-asa’y matinik.
Para sa kinabukasa’y buong pusong handog,
Kahit pa ang daan ay lubak at lubog.
Si Guro ang bayani, tahimik nitong ginagampanan,
Sa dulo ng daan, siyay liwanag ng bayan.
Sa wikang kay ganda, siya’y nagtuturo.
Pagtakaisa ng Yakang mag-aaral at ng isang guro.
Sa wika at aral, tayo’y nagiging isa,
Sa bundok man o lungsad, lisa ang diwa.
Bayanihan sa puso, sa gawa at salita,
Guro at mag-aaral na Yakan, magkasamang lumalaban.