ABSTRAK
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang bisa ng Information and Communication Technology (ICT) Integration sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral ng Baitang 9 sa Pambansang Mataas na Paaralang Rustico Capahi Sr. Memorial, Ormoc City Division. Gumamit ang mananaliksik ng quasi-experimental design na may paunang (pre-test) at panapos (post-test) na pagsusulit upang masukat ang epekto ng paggamit ng ICT sa pagganap ng mga mag-aaral. Tatlumpung (30) mag-aaral ang lumahok sa pag-aaral bilang mga tagatugon. Ang resulta ng paunang pagsusulit ay nagpakita ng timbang na mean na 23.33 na may deskripsyong “Mahusay,” samantalang ang panapos na pagsusulit ay nakapagtala ng timbang na mean na 29.10 na may deskripsyong “Napakahusay.” Batay sa pagsusuri, lumitaw ang computed t-value na 9.56 na higit sa critical t-value na 2.04, dahilan upang tanggihan ang null hypothesis (Ho). Ipinapahiwatig nito na may makabuluhang pagkakaiba sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral bago at pagkatapos isagawa ang interbensyon. Napatunayan ng pag-aaral na ang integrasyon ng ICT sa pagtuturo ng Araling Panlipunan ay epektibong nakapagpataas ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Iminumungkahi ng mananaliksik ang patuloy na paggamit at pagpapalawak ng ICT-based instructional strategies, ang pagsasagawa ng mga pagsasanay para sa mga guro, at ang patuloy na pagsusuri sa pangmatagalang epekto ng ganitong interbensyon upang higit pang mapaunlad ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto sa iba’t ibang asignatura.
Keywords: Epektibong Integrasyon, Information and Communication Technology (ICT), Pagtuturo, Pagganap, Mag-aaral Baitang 9, Araling Panlipunan
PANIMULA
Ang pagkapatok at pagkahilig ng mga kabataan sa iba’t ibang mga elektronikong kagamitan ay nagpapahiwatig at naghahatid ng mga makabuluhan na kung tawagin ay technology-enhanced opportunities na maaaring malinang ang akademikong kaalaman at kakayahan na magagamit para sa prosesong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Araling Panlipunan. Makikita natin kahit sa loob nga paaralan na halos lahat ng mga mag-aaral ay gumagamit na ng celfon na kung saan ang mga gawain sa paaralan ay madali na lang nilang nakikita sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.
Ang integratibong pagtuturo sa tulong ng makabagong teknolohiya na nakasanayan na rin ng mga estudyante na maituturing rin na bahagi na ng pag-araw-araw na gawain ang teknolohiya. Ang pagkakaroon ng interes ng mga estudyante sa mga gawaing pampagkatuto na ginagamitan nga digitized lesson ay nagbibigay ng positibong interes sa mga bata upang pag-aralan ang asignaturang nakahanda.
Napapansin natin ngayon sa loob ng paaralan na kapag ang isang guro ay nagturo na ang gamit ay chalkboard, chalk, papel at lapis, manila paper at iba pang biswal na kagamitan, ang mga mag-aaral ay maingay at parang walang interes na makinig sa aralin. Ang guro ay kailangan maghanda ng kapanapanabik na digitized lesson upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na makamit ang minimithing tagumpay para sa asignaturang Araling Panlipunan.
Ang pag-usbong ng rebolusyon sa teknolohiya ay maaaring maisakatuparan nang lubusan ang pag-aaral na ito para sa pagtuturo. Sa pagkakaroon ng pagsasanib-pwersa ng kalakasan ng guro at mga estudyante ay mainam para sa makabuluhang relasyong pangkomunikasyon. Tiyak na makikita ang kahalagahan ng integrasyon ng multimidyang kagamitan o digitized materials para sa paggamit ng wika, kritikal na pag-iisip at integrasyon tungo sa iba’t ibang aspeto ng buhay upang maaaring mailapat ito base sa pangangailangan. Natuklasan sa pag-aaral ni Kovalan, 2017 na ang pinagsamang teknolohiya para sa paguturo ng malikhaing pagsulat ay epektibo tungo sa malawakang kasanayang pangwika ng mga estudyante.
Sa pag-aaral na isinagawa nila Ishak, N. at Idrus, S., et al, (2021) nasilayan na isang suliranin ang pag-aakses sa internet upang magbigay ng kalidad at matatag na through put at band width access at maliban pa ay ang kahirapan ng buhay upang makabayad sa data o pang load. Madalas at mangilan-ngilan din sa klase ang nakitaan ng kawalan ng interes at agarang pagsusumite ng mga takdang gawaing pasulat. Isang panibagong hamon sa larangan ng pagtuturo ang magkaroon ng interes sa pakikinig sa mga aralin sa asignaturang Araling Panlipunan. Ayon sa kasabihan ng mga mag-aaral, talagang napupuyat sila pag oras na ng asignaturang ito. Nakita ng mga guro sa mataas na paaralan na karamihan sa mga mag-aaral ay may hawak na cellphone sa tuwing vacant time nila. Kaya nga naisip nga tagasaliksik na bumuo ng interbensyon na gumagamit ng Information and Communication Technology (ICT) para mabago ang pananaw ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Araling Panlipunan. Dahil dito, bumuo ang taga-panaliksik ng mga gawain na kung saan ang aralin ng asignaturang Araling Panlipunan an magiging kaakit-akit at mahihikayat ang mga mag-aaral sa pakikinig at pagdalo sa mga gawaing naihanda. Kaya nga layunin nga tesis na ito ang suriin ang pagiging epektibo ng integrasyon ng Information and Communication Technology (ICT) sa pagtuturo at mapa-unlad ang pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Araling Panlipunan. Isang plano ng pagpapabuti ang bubuuin batay sa resulta ng pananaliksik na ito.
At dahil dito, nahikayat ang mananaliksik na pag-aralan ang epektibong integrasyon ng Information and Communication Technology (ICT) sa pagtuturo sa pagganap ng mga mag-aaral sa baitang 9 sa Araling Panlipunan. Ang paggawa ng isang mungkahing plano para sa pagpapabuti ang bubuuin batay sa mga natuklasan ng pag-aaral.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang bisa ng integrasyon ng Information and Communication Technology (ICT) sa pagtuturo sa pagganap ng mga mag-aaral sa Baitang 9 sa Araling Panlipunan ng Pambansang Mataas na Paaralang Rustico Capahi Sr. Memorial, Ormoc District 7, Ormoc City Division. Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay magsisilbing batayan sa mungkahing plano para sa pagpapabuti.
see PDF attachment for more information