Return to site

EPEKTIBIDAD NG PAGTUTURO NG BOKABULARYO GAMIT ANG INTERAKTIBONG MEDIA SA PAGGANAP NG MGA

MAG-AARAL SA FILIPINO SA BAITANG 9

ANGELOU IVY C. ESTRERA

Western Leyte College

Master of Arts in Education

Major in Filipino

ABSTRACT

Ang pag-aaral na ito ay sinuri ang epektibidad ng pagtuturo ng bokabularyo gamit ang interaktibong media sa pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino sa Baitang 9. Ang mga resulta ng pag-aaral ay naging batayan para sa isang Plano ng Pagpapabuti. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng quasi-experimental research design na may pre-test at post-test upang matukoy ang epektibidad ng pagtuturo ng bokabularyo gamit ang interaktibong media sa pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino sa Baitang 9. Pinili ang dalawang grupo ng mag-aaral: isang experimental group na ginamitan ng interaktibong media sa pagtuturo at isang control group na ginamitan ng tradisyonal na pamamaraan. Sinukat ang antas ng bokabularyo at kabuuang pagganap ng mga mag-aaral bago at pagkatapos ng interbensyon upang makita ang pagbabago at pagkakaiba ng resulta. Sa pamamagitan ng pagsusuri gamit ang descriptive at inferential statistics, nilayon ng pag-aaral na patunayan kung mas naging epektibo ang interaktibong media kumpara sa karaniwang paraan ng pagtuturo sa pagpapahusay ng bokabularyo at pagganap sa Filipino.

Ang Pagsusuri ng Pagkakaiba sa Iskor ng mga Mag-aaral sa Pre-Test at Post-Test, na naglalayong ipakita kung may makabuluhang pagbabago sa pagganap ng mga mag-aaral matapos ang interbensyon sa pagtuturo ng bokabularyo gamit ang interaktibong media. Ipinapakita sa talahanayan ang mean scores ng pre-test at post-test, ang computed t-value, critical t-value, desisyon, at interpretasyon upang matukoy kung ang interbensyon ay naging epektibo sa pagpapataas ng antas ng kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral.

Batay sa datos, ang mean score ng pre-test ay 22.05, na may katumbas na deskripsyong “Fair,” samantalang ang post-test mean score ay tumaas sa 34.42, na may katumbas na deskripsyong “Very Good.” Ang computed t-value na 18.25 ay mas mataas kaysa sa critical t-value na 2.02, kaya ang null hypothesis (Ho) ay tinanggihan, na nangangahulugang may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pre-test at post-test scores ng mga mag-aaral.

Ipinapakita ng talahanayan na ang interbensyon gamit ang interaktibong media ay nagdulot ng malaking pagtaas sa pagganap ng mga mag-aaral, kung saan ang kanilang antas ay umangat mula sa Fair patungong Very Good. Ang resulta ay nagpapakita na epektibo ang estratehiyang ginamit sa pagtuturo at nakatulong upang mapabuti ang kasanayan ng mga mag-aaral sa Filipino, lalo na sa bokabularyo, sapagkat ang pangkalahatang average rating na 34.42 (Very Good) ay malinaw na indikasyon ng makabuluhang pag-unlad sa kanilang pagkatuto. The result implies that ang paggamit ng interaktibong media sa pagtuturo ay nakapagpataas ng antas ng pagganap ng mga mag-aaral at pinatibay ang kanilang pag-unawa sa aralin.

Keywords: Epektibidad, Pagtuturo, Bokabularyo, Interaktibong Media, Pagganap, Filipino, Baitang 9

PANIMULA

Sa kasalukuyang panahon, mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya at malaking bahagi na ito ng pang-araw-araw na buhay ng kabataan. Dahil dito, mahalagang suriin kung paano nagagamit ang teknolohiya sa mas epektibong pagtuturo, partikular sa pagpapalawak ng bokabularyo. Ang bokabularyo ay pundasyon ng mabisang komunikasyon; kapag kulang ang kaalaman ng mag-aaral sa mga salita, nahihirapan siyang makaintindi at makapagpahayag nang maayos. Layunin ng pananaliksik na ito na tukuyin kung ang paggamit ng interaktibong media ay nagiging epektibong estratehiya sa pagtuturo ng bokabularyo at nakakaapekto sa pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino. Bukod dito, nagbibigay ito ng alternatibong paraan para sa mga guro na hindi lamang nakasalalay sa tradisyonal na pagtuturo, kundi gumagamit ng mga estratehiyang mas nakaka-engganyo sa kabataan.

Ayon kay Marvilyn C. Francia (2020), natuklasan na ang paggamit ng makabagong estratehiya sa pagtuturo, kasama ang mentoring at gabay ng mga administrador, ay nakakatulong sa pagpapabuti ng kakayahan ng guro. Kapag mas handa at may sapat na kasanayan ang guro, mas epektibo ang pagtuturo ng wika, kabilang ang pagpapalawak ng bokabularyo ng mga mag-aaral.

Mahalagang tuklasin ang iba't ibang estratehiya sa pagtuturo ng bokabularyo na makatutugon sa pangangailangan ng Baitang 9 na mag-aaral. Nakita ng mananaliksik na mas epektibo ang mga interaktibong media dahil nakaka-engganyo ang mga ito at nagbibigay ng aktibong papel sa mga mag-aaral sa kanilang sariling pagkatuto. Ang paggamit ng digital flashcards, online games, at multimedia presentations ay nagpapadali sa pagkatuto at nagiging mas masigla ang pagtuturo kumpara sa tradisyonal na lecture method. Bukod dito, binibigyan nito ng pagkakataon ang guro na magbigay ng agarang feedback, na nakatutulong sa mas mabilis na pag-unawa at aplikasyon ng bagong bokabularyo sa pangungusap at pakikipag-usap sa Filipino.

Isa sa mga pangunahing problema na hinarap ay ang kakulangan ng kagamitan sa ilang paaralan, tulad ng projector, computer, at maayos na internet connection, na siyang kinakailangan sa paggamit ng interaktibong media. Mayroon ding pagkakaiba-iba sa kasanayan ng guro at mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya, kung saan ang ilan ay mabilis matuto samantalang ang iba ay nangangailangan ng mas maraming gabay. Dagdag pa rito, may pagkakataon na nawawala ang pokus ng mag-aaral sa aralin dahil mas naaaliw sa teknikal na aspeto ng media kaysa sa leksyon. Panghuli, limitado rin ang oras sa klase at may mga pagkakataong hindi tugma ang interaktibong aktibidad sa lesson plan o curriculum, na nagiging hadlang sa tuloy-tuloy na paggamit ng media bilang estratehiya sa pagtuturo.

Ang pananaliksik ay magbibigay ng gabay sa mga guro kung paano epektibong gamitin ang teknolohiya upang mapabuti ang pagganap ng mga mag-aaral, mapataas ang interes at motibasyon, at mas mapalalim ang kanilang pag-unawa sa wika. Ito rin ay magsisilbing batayan sa pagpaplano ng mas makabago at epektibong mga estratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa hinaharap.

see PDF attachment for more information