Sandata o alibata? ‘yung tanong na makabansa
Himagsikang kapwa nakatala sa kumpyansa
Buong tikas ‘di aatras, wikang atin ay palaganapin
Pagkalito’t pagsaring ay ating puksain
Saan ba ang daang patungo?
Ikadalawampu’t isang siglo
Filipino pa ba o Filipino na sila?
Mariing bigyan ng pagkakakilanlan sa iba.
Pagkakaisa ay ating mantra
Wika ay simbolismo ng ating kultura
‘Di ba makabagong bayani ka’t di palulupig
Saan na ang sa wikang Filipino na pag-ibig?
Wika’y buhatin natin ng may pagkakaisa
Sa buong mundo ay ating ipakita
Pilipino tayo’t di banyaga sa ating tinubuang lupa
Isang indayog, isang salita, ‘di tayo ang itim na tupa
Tunay ngang sa kaibuturan ng pagkaPilipino
Sama-sama sa daang pasulong at pursigido
Ngunit, matamlay at nalilito
Aning mga bagong tinubo
Komunikasyon sa pagitan ng kultura
Nagbukas nang makabagong hitsura
Wikang atin ay yakapin at salangin
Pag aalinlanga’y ibaling sa positibong pangitain
Pilipino Ako, Ikaw, Sila, Tayo
‘Yan ay tanto at di magbabago
Pundasyon ng wikang Filipino
Pagtibayin at gawing ehemplo
Puhon ay ‘di ngayon, kailangan natin ng aksyon!
Sino pa ba? kailan pa ba? ano pa ba?
Sa bayanihan tayo ay kilala, ating wika ay ambisyon at misyon
Tanda ng ating tapang at pundasyon.