Mga Pilipino'y magsama-sama,
Patatagin ang bansa't magkaisa.
Sariling wika gamitin sa tama,
Itatak sa ating puso't diwa.
Ating kultura't lahi ay huwag ikahiya,
Ipagmalaki sa mga banyaga.
Lumingon sa ating pinagmulan,
Taos-pusong mahalin kinalakhang bayan.
Wikang Filipino ay pagyamanin.
Bigyang-pansin at alalahanin
Sa pakikipagtalastasan ay gamitin,
Namnamin bawat salitang bibigkasin.
Isipin kadakilaan sa lahing nakatatak,
Mga ninunong, dugo'y dumanak.
Dinggin inang bayang umiiyak,
Matapang na lumaban gamit ang utak.
Dakilang bayaning may damdaming makabayan,
Ang layunin ay makamtan ang kalayaan.
Payabungin ang pinamanang kasaysayan,
Kailanman ay huwag pababayaan.